Trigger Warning: ⚠️Content may be offensive or disturbing to some audiences. Please read at your own risk.
-**********
Autumn 🍁
Nasa University lounge ako kasama sina Risi at Yza nang biglang may lumapit na freshmen student sa akin.
"Senior pinapatawag po kayo ni Dr. Samaniego sa Dean's office." sambit neto.
"Um, okay."
Nakalimutan ko pala na ipasa ang apology letter dahil wala pa itong parent's signature. Hinanap ko muna ang letter sa bag bago tumayo at nagpaalam sa mga kaibigan ko.
"Kita nalang tayo mamayang gabi sa disco bar." sambit ni Yza.
"Sige sige sunod ako mamayang gabi."
Dumiretso ako sa conference room dahil dun ang itinuro ng freshmen council. Pagpasok ko ng pinto nandoon sina Dr. Samaniego, Miss Gonzalez at iilan pang faculty members.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Daddy na nakatayo kasama si Ate Meadow. Nandoon din sina Lieutenant Molino kasama ang asawa niya at ang kanilang anak na si Cedrik Molino.
"Halika lumapit ka." utos ni Daddy.
Nanlamig ang buong katawan ko dahil kalmado lang ang boses ni Dad. Nagdadalawang isip akong lumapit dahil alam ko na galit na galit ito.
"D-Dad ba----"
Pak!
Hindi ko natapos ang sasabihin ko na halos mawala ang pandinig ko. Sinalubong ako ni Dad ng pinakamalakas na sampal.
Nagulat ang lahat kaya napatayo si Dr. Samaniego, mabilis na lumapit si Ate Meadow.
"D-Dad!" pumagitna si Ate Meadow sa amin.
"Hindi to madadala sa usapan, just stay away para makita ng lahat na never ko kinonsente ang batang ito na paulit ulit gumawa ng katarantaduhan sa University at sa buong Jamesford city na hindi ko nalalaman." giit ni Daddy.
Pinilit ko parin tumayo ng tuwid sa harap ni Dad, pinigilan ko ang mga luha na halos gustong bumuhos. Dumug0 ang gilid ng labi ko sa lakas ng pagsampal. Napahawak ito sa kanyang sentido bago ipagpatuloy ang pagsasalita.
"Pinahiya mo kami ng Mama mo, hindi mo na kami nirespeto at lalong lalo na pinahiya mo ang pangalan ng Ate Meadow mo sa Unibersidad na ito. Nagtitimpi lang ako sayo pero sumusobra kana. Pinapunta mo pa talaga ang Ate mo para makiusap para lang sa katarantaduhan mo?" galit na sabi ni Daddy.
"D-Dad kusa po ako pumunta dito." sabat ni Ate Meadow.
"Kokonsentihin mo tong kapatid mo?" galit na sabi ni Daddy.
Walang nagsalita sa loob ng conference ganun din si Ate Meadow na napaatras sa takot kay Dad.
"Why did you do that?"
"_"
Nanatili akong tahimik dahil isang maling sagot ko tatama na naman ang palad ni Dad.
BINABASA MO ANG
Infinitely Falling [GxG]
Romance[Professor x Student ] UNEDITED "_" 🍀🍁 "Patience is one of the purest form of love." Start: August 18, 2024 End: October 11, 2024