***
1 (PAST )
***
Princess Anastacia's POV
Isang napaka-gandang umaga ang bumungad sa'kin ng hawiin ko ang kurtina ng palasyo. Masaya ang araw kaya't paniguradong masaya din ang mga tao sa paligid. Ngumiti ako ng napaka-ganda ng makita ko ito, dahil ang tanging araw lamang na ito ang nagpa-saya agad sakin.
Masaya akong tinungo ang hapag-kainan, kung saan nandoon ang aking Ama at Ina na nagkukwentuhan lamang habang ineenjoy ang isa't isa.
Naramdaman lamang nila ako ng makaupo ako sa tabi ng aking Ina.
" Nandyan kana pala Prinsesa, kumain kana para magkaroon ka ng enerhiya! " agad naman sabi ni Ama.
" Maraming salamat po Mahal na Hari, ngunit nakapag bigay enerhiya po ang araw sakin kanina. " nakangiti kong sambit saking Ama.
Batid kong ngumiti ang aking Ama at Ina dahil parehas silang napatitig sakin. Nginitian ko naman din ang aking magulang sanhi na hawakan ng aking Ina ang kamay ko.
" Mabuti kung ganon, ngunit kailangan mo ng totoong enerhiya anak! Baka mapaano kapa oh mahilo mag-alala pa kami sayo ng Ama mo. " ngiting sambit naman ng aking Ina habang nakatitig sakin.
" Kung ganon, kakain na po ako! Baka pagalitan nyo papo ako eh " naka ngiti ko pang banggit sakanila.
Nagsimula na akong kumain matapos kong magsalita, pinag silbiban na kami ng aming kasamahan kaya't mabilis ang usad ng oras!
Ngayon ay naririto naman ako sa Hardin namin, kinakausap at nilalaro ko ang mga nag-gagandahan na lumilipad sa paligid.
" Alam nyo ang gaganda nyo talaga, kasing ganda nyo ang mga tanawin na naririto! " bangit ko sa mga hayop na naglilipadan. Nang isa sa mga ito ay dumapo sa balikat ko!
Napaka ganda naman ng isang ito!
Hindi ko masasambit kung anong kulay meron sya, ngunit ang masasabi ko lang ay napaka ganda ng kulay nya.
Naglakad na ako ng dahan dahan ngunit may nagpakabigla sakin. Upang mawala ang paro paro na kasama ko!
" Hi Prinsesa! " nagulat ako sa nagsalita.
" Ay haha! Ikaw lang pala iyan Prinsipe, nakakagulat ka naman " sinilip ko ito at ang Prinsipe lamang pala iyon.
" Nakakagulat na pala ngayon ang aking magandang mukha, " sambit nito ngunit nagpagwapo naman ito sa harapan ko. Sa di malaman na dahilan biglang may naramdaman ako na mainit sa aking pisnge. " Ganon naba talaga kaganda ang mukha ko? " dagdag na sambit nito habang nakaukit ang ngisi sa labi nya.
" Masyado ka naman Prinsipe! " sambit ko. Matapos ay hinawakan ko ang sarili na animo'y biglang lumamig ang simo'y ng hangin. " Ba't biglang lalong lumamig? " dagdag ko.
" Grabe ka naman! parang hindi na biro yun saiyo ah? " sambit ny'a kaya natawa naman ako sakanya.
" Nagbibiro lamang ako prinsipe! " sambit ko matapos ay ngumiti naman ako sakanya.
Dahilanan para hawakan nya ako, at ginulo ang buhok! Bagkos na mainis ay natuwa ako sa ginawa nya. Kumbaga parang nagustuhan ko ang ginawa nya. Tinignan nya ako, hinawakan at nginitian bago kami dumayo sa ibang lugar.
Ngunit bago ang lahat ay kailangan nya ako ipaalam sa aking Ina at Ama.
" Huwag po kayo mag alala Mahal na Hari, iuuwi kopo sya ng maayos at matiwasay! " magalang na sambit ni Prinsipe Cullen. Iyon ang kanyang pangalan na nagpapabigay tindig sakanya bilang prinsipe.
YOU ARE READING
She's The Modern Version
RomanceA girl who got back stub by someone who doesn't know. Even she? She didn't know who is this someone! Will she able to find this someone? Let's see?! She's a Princess Anastacia, a princess who had bubbly visual to the eye of everyone. But just in a...