***
Princess Anastacia's POV
Hindi ako mapakali. Hindi talaga ako mapakali sa araw na ito, lalo na sa nalalapit na kasalan. Sa nalalapit at bawat araw na lumilipas ay hindi na ako napapakali. Hindi ko na lamang ito sinasabi sa mapapang-asawa ko lalo na sa magulang ko pero sa totoo hindi din ako napapakali sa paligid ko. Para akong nababaliw na ewan eh!
Inaayusan ako dito sa isusuot ko sa kasal pero hindi pa din napapakali. Ngunit sa mga inaasta ko ay napansin ako ng isang taga-ayos at nag-alala na nag-salita. " Prinsesa ayos lamang po ba kayo? "
" Kulang lang ako sa tulog, " at paklang ngumiti sa taong iyon. Hindi naman niyon pansin ang kakaibang ngiti ko at patuloy na inayusan na lamang ako.
" Nako, Prinsesa sa susunod kailangan mo na matulog ng maaga. Kailangan maganda po kayo sa araw ng kasal ninyo ng Prinsipe. "
" Sana nga makatulog ako ng mahimbing, " hindi ko alam kung bakit ngumiti ako sa sinabi ko. Natigilan naman ang mga nag-aayos sa'kin at pinaka-titigan ako ng maigi. Kumurap-kurap pa sila na parang ayaw nila akong mawala.
Hindi naman habang buhay makaka-sama at makaka-salamuha nila ako.
" Pag-tulog sa kama ang sinasabi ko, " pagbawi ko. Pero parang huli na yata ako.
Ngunit ito nanaman ang nararamdaman ko kanina pa. Para talagang may nag-mamasid sa'kin. Para din akong nakakarinig ng mga ahas. Ewan pero maaring guni-guni ko lang yung mga ahas. Pero paano kung hindi iyon guni-guni? nakakatakot naman itong maaring mawala ko. Maaring nakakatakot ang mga mangyayari oras na nangyari nga iyon.
" Prinsesa, " nag-salita ang isang kaamahan ko kaya't sinigawan ko ito.
" Bakit!? -- Prinsipe!? " pero ang Prinsipe ko lang pala iyon.
" Ako lang ito, bakit? para naman katakot-takot ako dito. " at unti-unti naman n'ya ako niyakap sa likod ko. Napangiti ako sa ginagawa n'ya, at doon matapos akong yapusin ay hinalikan naman n'ya ako sa sintido. " ano ba ang iniisip ng mahal ko? "
" Wala naman, " mahinang sabi ko. Hinawakan naman n'ya ang braso ko kahit nakatalikod.
" Yung totoo? wag mo itago sa'kin ang mga nasa isip mo. " at pinatong naman n'ya ang baba sa balikat ko. " Walang sikreto please? "
" Hindi lang ako mapakali, " pag-sabi ko ng totoo.
" Bakit naman? may nang-gugulo ba sa'yo? may nag-mamasid ba? sabihin mo sa'kin at magawan agad natin ng paraan. " pag-sambit naman agad n'ya. Alam kong hindi na s'ya mapapakali dahil sa pag-sabi ko ng totoo.
" Para kasing may nag-mamasid na ahas sa'kin. " napatigil naman s'ya sa mga sinabi ko. Imbis na mag-salita ay mabilis n'ya akong niyapos at napaka-higpit non.
" Lagi mong tatandaan, na mahal na mahal kita! kahit ilang taon ang lumipas? kahit tumanda man tayo. Ikaw pa rin ang mahal ko. " mahinahon ngunit malambing na sabi nya. Sa mga sinabi naman n'ya ay nahimasmasan naman ako sa paligid ko ay s'yang niyakap ko s'ya.
" Mas mahal kita, higit pa sa inaakala mo. " at pinaka-titigan ko s'ya.
Inilapit n'ya ang mukha n'ya mas lalo na ang labi para naman lumapat ang mga ito sa labi ko. Madama ang pag-mamahal n'ya sa'kin at mas lumalim pa iyon. Hindi ko inaasahan, na sa isang gawain n'ya ay mas lalalim pa pala iyon, at hindi ako makakibo upang mabaliw sa lalim ng pag-mamahalan namin.
Ngunit sa ginagawa naman namin ay hindi na ako nakakahinga at mas lalong nahihigit ko ang hininga ko upang hindi n'ya ramdam ang hininga ko. Pero, bakit ganon? ang sarap n'ya mag-mahal. At higit sa lahat, gustong-gusto ko iyon.
YOU ARE READING
She's The Modern Version
RomanceA girl who got back stub by someone who doesn't know. Even she? She didn't know who is this someone! Will she able to find this someone? Let's see?! She's a Princess Anastacia, a princess who had bubbly visual to the eye of everyone. But just in a...