7

19 4 0
                                    

                                                                                              ***

7 (The Queen) 

***

Queen Cynthia's POV 

Maaga akong nagising upang makita ang mahimbing kong asawa. Hinaplos ko muna ito, bago tuluyan bumangon, ngunit ito ulit ako nahihilo. Dalawang araw na akong nahihilo, hindi malaman kung anong dahilan, at mas ikinatataka kung may nabuo muli kaming bata. Nakakatuwa naman kung totoo iyon, at baka mas matuwa pa ang anak ko kung sakali. Dahil hindi biro ang maging isang anak. 

" Mahal? "saad ng asawa ko. Hinahanap ako! Kita ko kung paano kapain nito ang kalahati ng kama at magulat na wala ako doon. 

" Nandito lamang ako mahal, " saad ko. Upang makita n'ya akong nakaupo sa salamin. 

Nakita ko pa itong ngumiti bago puntahan ang gawi ko. Nang mapuntahan naman ako nito ay s'yang yakap naman n'ya sa'kin. " Magandang umaga, mahal ko! " nakangiti't hinalikan ako sa pisnge mgunit mas ramdam ko naman ang higpit ng yakap n'ya. 

" Magandang umaga din, Mahal! " sambit ko. 

Tinulungan naman n'ya akong mag-suklay at ipitin ang buhok ko. Kasama na rin ang pagtali sa likod ng mahabang kasuotan ko. 

" Mahal, Nahihilo ako! " pagpapaka-totoo ko sakanya. 

" Ibig sabihin? -- jusko mahal seryoso!? " nagustuhan naman n'ya ang pinupunto ko.

" Teka, sandali! hindi pa naman ako sigurado. " naka-ngiting sabi ko sakanya. Matapos ay nilingon ko na ito at kitang kita ko ang kasiyahan n'ya.

Ngunit hindi pa iyon tapos. Iniangat n'ya ako sa ere at iniikot doon. Ramdam ko ang saya n'ya! Nang matigil naman, ay sadyang tinitigan n'ya ako at unti-unti inilapit ang mukhang n'ya sa'kin. This is how i love him every day! and even in my lifetime. Tinapos namin ang gawain ngayong umaga sa isang matamis na halik. 

" Halika na, baka hinihintay na tayo ng Prinsesa, " nakangiting sambit pa rin n'ya.

" Mabuti pa nga Hari ko, " sambit ko bago ko kunin ang kamay n'ya. 

Hindi na kami muli nag-salita at tumungo na lamang sa hapag. Doon nakita ko ang Prinsesa na inaalagaan ng Prinsipe, Napaka-alaga naman ng isang ito sa Prinsesa namin, at kitang-kita ko din ang sinsiridad nitong pag-mamahal. Naupo naman kami sabay ng pagtikhim ng Hari ko. 

" EHEM! " at kitang-kita ko naman ang pag-ayos ng upo nila. 

Siguro ay kanina pa sila nag-haharutan dito sa lapag. Ngunit ang aking Prinsesa ay unti-unti naman nag-kakaroon ng pag-mamahal sa Prinsipe kaso hindi pa n'ya iyon nakikita. Pero para sa'kin ay ayos lang iyon, basta wag lang madaliin ang pag-ibig. 

" Mahal, kumain kana! " 

" Pasensya na, masyado lang akong masaya sa Prinsesa. " nakangiting sabi ko dito. 

Ngunit ito nanaman ang Prinsesa at Prinsipe. Nag-haharutan at sinasaktan ang isa't isa sa mga sinasabi. 

"Prinsipe, I love you. I love you so much." ang anak ko. Vocab na rin sa nararamdaman. Mabuti naman kung ganon! 

" I love you too, so much. Sana after 10 years ganito pa rin tayo. " nakakatuwa naman na pinag-uusapan na agad nila ang gagawin pagkatapos ng kasal. Ngumiti na lamang akong kumain."Ang tagal masyado non. " mainipin naman ang Prinsipe na ito! 

 "Ayaw mo akong makasama ng matagal?" prangkang tanong ng Prinsesa ko. 

 "Hindi sa ayaw ko. Hindi ko lang kaya." minsan ang Prinsipe napapangiti ako. Sa mga sinasabi n'ya oh sa kinikilos ay sadyang napapangiti ako. Kahit hindi ko sabihin oh malaman n'ya ganon at ganon ang nararamdaman ko. 

She's The Modern VersionWhere stories live. Discover now