***
Arthur's POV
Kinaumagahan, nang magising ako ay s'yang badtrip ang nakaharap ko sa pag-gising, hindi ko alam pero bad-trip talaga ang gising ko ngayong umaga. Minabuti ko na lamang kumain ng tahimik kesa mapag-buntungan ko sila ng galit ko. Kahit wala naman rason para magalit, pero kitang kita naman iyon sa mukha ko para tanungin nila ako.
" Anak ayos ka lang ba? Bakit parang galit na galit ka naman sa pag-kain. " pag-tatanong ng Nanay ko sa'kin. Nag-alala!
" Hindi po ako galit, " binabaan ko na lamang ang boses upang hindi galit ang tono sakanila.
" Sigurado ka? Ang sungit-sungit mo naman kasi ata. " paninigurado ng Nanay ko sa'kin.
" MA, PWEDE BA!? " at nasigawan ko pa nga ang Nanay ko. Kahit hindi dapat!
" Wag mo naman sigawan, Mama mo! " sigaw pabalik sa'kun ng Tatay ko.
" Pasensya na po, iba po ang gising ko ngayon. " pag-hingi ko ng pasensya. Mahina din ang boses ko para hindi na iyon sigaw.
" Osige, ito na ang iyong baunan, sa iskwelahan mo na lang ikaw kumain. " kinuha ko na lamang ang baunan at umalis ng bahay. Bad mood talaga umaga ko kaya't buong araw ko ay makaka alitan ko ngayon.
Siguro kahit maliit na bagay pa. Wag naman sana?
Naglalakad ako sa corridor at dahil napa-aga ang pasok ko ay s'yang wala pa si Anna. Hangga't di'ko nakikita si Anna ngayon, magiging bad mood pa rin ako. Mahaba ang isipin ko, upang hindi ko mapansin ang dinadaanan ko, para malaman ko na may nakabanggaan ako.
Tinitignan ko ang taong iyon. At kahit titigan ko s'ya ay nakangiti pa rin ito, kakilala ko ito pero kahit ganon ay s'yang sinakal ko pa rin s'ya. Ano bang problema n'ya!?
" A-arthur a-ano ba! Bitawan mo ako!? "
" Nasaan si Anna!? "
" Anong Anna? Walang Anna dito!? "
" Eh gago ka pala eh! Bakit mo ako binanga!? Tapos ngingti kapa kahit mali naman ginawa mo!? " galit na sigaw ko dito. Hindi ko alam bakit nanlilisik mga mata ko sa isang ito!
Nagkakagusto nga s'ya sa'kin pero hinding hindi ko masusuklian iyon. Pero may ugali s'ya! Ngayon pa lang pinapakita na n'ya. Pansin ko naman na nakita kami ng mga ilang estudyante at pinag-uusapan pa, mas lalo na ako dahil sa mga inaasal ko, at tipong hinahanap ko pa si Anna sa babaeng ito kahit wala naman s'yang alam.
Nasaan kana ba kasi Anna? Hindi ako hihinahon hangga't hindi kita nakikita! Sambit ko sa sarili sabay bitaw iling sa babaeng sinakal ko.
" Nakakatakot naman si Arthur! "
" Kaya nga! "
" Tara na girl, baka tayo pa ang sunod n'yang sakalin. "
" Bilisan n'yo! Ano kaya nangyari sakanya at nagka-ganyan bigla? " tsk.
Pakielam n'yo ba!?
Hindi ko talaga alam bakit nananakal na lamang ako ngayon. Sino mang-madaanan kong estudyante ay sinasakal ko ito't tinatanomg kung nasaan si Anna. Naiiyak na ako sa galit tangina. I can't believe i'm doing this!
At madami-dami na ding estudyante ang sinasakal ko dahil sa panaginip ko. Dahil sa panaginip na iyon! Lintik! Hindi ko pa rin talaga nakakalimutan ang mga sandali upang manakal muli ako ng bagong estudyante.
YOU ARE READING
She's The Modern Version
RomanceA girl who got back stub by someone who doesn't know. Even she? She didn't know who is this someone! Will she able to find this someone? Let's see?! She's a Princess Anastacia, a princess who had bubbly visual to the eye of everyone. But just in a...