11

22 4 0
                                    

                         🤍  PAG-IISANG DIBDIB  🤍                          

                                                                                          ***

Prince Cullen's POV

NGAYONG ARAW. Ngayong araw na gaganapin ang kasal namin, at hindi na ako mapakali na maging akin na s'ya ngayon at maging asawa ko s'ya agad. Para akong nananabik kahit hindi dapat. Pero okay lang, araw naman namin ngayon. Nandito na ako sa magiging palasyo namin, kasama ang aking Ina at Ama, minabuti naman na tama lang na mauna dahil ako ang mag-hihintay sakanya sa altar. Altar na magiging saksi sa lahat ng mangyayari ngayon. Altar din ang magiging saksi sa pag-iisang dibdib namin ng mapapang-asawa ko.

Minabuti ko na paka-titigan lahat ng kapaligiran at ako'y namangha naman sa mga ito. Maganda ang mga disenyo, at literal na nagustuhan ko ang mga iyon paano pa kaya kung ang mapapang-asawa ko na ang makita ito? Panigurado ay makikita ko nanaman ang magandang asal n'ya sa kapaligiran.

Ngayon pa lang ay ramdam ko na ang mga namunuo na luha ko. Ngayon pa lang, ay gusto ko nang umiyak sa saya dahil lahat ng pangarap at panaginip ko ay nag-katotoo din. Damn! Even i myself can't belive it! Halos ngayon pa lang ay nagtatalon na sa tuwa ang puso ko at gusto din nito maka-kawala dahil sa saya.

" Masaya ba ang aking Unico hijo? " biglang sambit ni Ama na nakapag-bigay sa kapaligiran.

" Opo, Aking Ama! " nakangiting sabi ko naman dito.

" Kinagagalak kong malaman na ika'y masaya sa araw na ito anak ko. Mahal mo na ba ang Prinsesa na iyon? " pag-sambit ni Ama. Lumaki naman ang aking ngiti dahil sa sinabi ni Ama. 

" Opo, Ama, higit pa po sa inaakala ninyo! " masaya naman sila ni Ina na malaman kung gaano ko kamahal ang Prinsesa. Ramdam ko ang pag-iyak ng aking Ina, habang ang aking Ama ay hindi malaman ang sasabihin sa mga narinig.

Natutuwa ito at animo'y gusto agad magkaroon ng apo sa'min ng Prinsesa. Paumanhin sakanila, ngunit kailangan kong respetuhin ang desisyon ng aking mapapang-asawa. Gustuhin man niya na angkinin ko s'ya ay walang hanggan ko itong aangkinin hanggang sa maging pagtanda namin.

Nangangati na agad ako dito na makiya s'ya kahit dumadami na ang tao sa kapaligiran lalo na sa taong nasa paligid ng palasyo namin. " Grabe! Ang araw na ito ay ang araw natin mahal ko. Hindi ko inaasahan ito haha! " bulong ko aa sarili.

" Anak, mamahalin mo ang asawa mo ah? Mahalin mo s'ya hanggang sa makakaya mo. Makakagawa kana din ng sarili mong pamilya, at huwag mo din hahayaan na may mangyari sakanya. Ingatan mo s'ya! " iyak sambit ng aking Ina.

Walang sandali na niyakap ko ang aking Ina. Sa bawat paghinga at pagbangon ko ay s'ya lagi ang naririyan, ang aking Ina ang laging nandyan para suwayin ako at sabihin ang tama sa mali. Ina ko ang dahilan, sa lahat ng nangyayari sa buhay ko.

Kailanman ay wala akong masasabi sa lahat ng ginagawa n'ya para sa'kin. Dahil, alam ko lahat iyon ay para sa'kin lang talaga. " Salamat po sa lahat Ina. Sa lahat ng giagawa ninyo at kung paano ninyo ako ginabay. Salamat po! Kung paano po ninyo ako ginabay ay s'yang ipapasa ko iyon sa magiging anak ko po. Gagabayan ko po s'ya tulad ng pag gabay n'yo po sa'kin. "

" Anak ko! " at mas lalong humagulgol pa nga ang Nanay ko. Para ako pa yata ang naging dahilan para mas umiyak pa ng sobra ang Ina ko.

Natuwa naman ako sa inasal ng Ina ko. Dahil alam kong, naiiyak lang s'ya na panoorin akong gumawa ng sariling pamilya. Naiintindihan ko iyon, dahil parang maari ko pa makita ang sarili sa Ina ko oras na ako naman ang makakita kung paano nito pakakasalan ang taong gusto niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She's The Modern VersionWhere stories live. Discover now