***
4 (Present) *Continuation
***
Arthur's POV
At sino naman ang taong kamukha ni Anna? hanggang sa makaupo kami ay pinag uusapan pa rin sya, napailing ako ngunit kinakain ako ng kuryosidad upang titigan sya. Anong meron sakanya? Sino ang kamukha nya?
" B-bakit mo ako tinititigan? hindi totoo yung sinasabi nila! " hindi ko aakalain na mahuhuli nya ako.
Binaling ko ang sarili sa blackboard at inayos ang sarili. Bakit ba kasi ako nagpapakain sa kuryosidad!
First day ngayon kaya naman pagpapakilala lang gagawin namin. Pero minsan yung ibang subject nagsisimula na rin maglecture.
" Arthur Aphelion everyone! " sabay kindat.
Kung saan nagtilian ang mga kaklase kong babae. Napangisi na lamang ako habang umuupo! tapos si Anna na ang magpapakilala.
Nakatayo pa lamang sya ay pinag usapan na agad sya.
" Anna Rodriguez po, baguhan lang po ako dito pati pamilya ko kaya sana maging kaibigan ko kayong lahat! " pag papakilala nya tapos umupo na muli sya. Hindi nya yata nagugustuhan ang bulong bulungan sa paligid.
At ayun rinig ko nanaman ang bulungan tungkol sakanya.
" OMG! Tama ka nga sis may kamukha sya! "
" Pero hindi ko matandaan kung sino kamukha nya! "
" Same! Sa mukha kakilala ko kung sino pero yung pangalan hindi! "
Nakita ko kung paano sya ngumiti ng peke sa mga ito bago umupo sa tabi ko. Nang makita naman nya ako ay tsaka nya nilabas ang totoong ngiti nya, sa paraan na iyon hinding hindi ko sya ipagkukumpara kahit kanino.
Nagsimula na magsalita ang professor namin kaya mimabuti namin na makinig na lamang muna.
***
Anna's POV
sa eskwelahan pa lang hindi ko na gusto ang mga bulungan sakin, hindi ko rin nagugustuhan ang mga lumalabas sa bibig nila! Naglalakad lamang ako ngayon papunta sa maliit na palengke dito sa bayan. Kanina pa uwian at kanina pa din ako naglalakad dahil hindi ko alam patungo sa palengke.
Kamot ulo naman akong lumingon sa kaliwa't kanan ko.
Hindi ko alam kung saan ako dadaan! Nalilito na din ako sa daan. Hindi ko pa kabisado ang lugar na ito dahil bagong lipat lamang kami ni Lola!
" Ale pabili nga po nito! 1/4 lamang po! "
" 150 lamang ineng lahat! "
" Salamat po! " sambit ko at kinuha ko na yung isang sapot ng plastik bag.
Pumunta naman ako sa ibang dayo para doon naman bumili. Pagdating ko ay bumili na ako ng mga ingredient na kailangan ko para sa iluluto ko!
" Ito lamang po! Magkano po lahat? " sambit ko sa ale na nag titinda.
" Limang daan lamang lahat-lahat ineng! " nabigla naman ako sa sinabi nung matanda. Grabe napaka mahal naman, paano naging mahal ang ganitong konting piraso?
" Po? Sobra naman po ata noon ale? Bawasan nyo naman po kahit kaunti baguhan pa lang po kami dito! " pagmamakaawa ko dahil pag nagkataon wala na akong maibabaon bukas.
YOU ARE READING
She's The Modern Version
RomanceA girl who got back stub by someone who doesn't know. Even she? She didn't know who is this someone! Will she able to find this someone? Let's see?! She's a Princess Anastacia, a princess who had bubbly visual to the eye of everyone. But just in a...