One: Beginning

277 171 81
                                    

"Experience is our best teacher, don't be scared to make mistake, instead learn from your mistake"

"Hoy! Callista Elora Alegria, asan ka na ba? Ang tagal tagal mo. Malapit nang magsimula ang orientation wala ka pa." malakas na bungad sa akin ng bestfriend kong si Maddie matapos kong sagutin ang kanyang tawag.

"Ito na nga malapit na. Kailangan talaga buong buo ang pangalan ko ha, Maddison Gabriel Montevista?" sagot ko naman sa kanya. Pero sa totoo lang nandito pa talaga ako sa bahay at bago palang paalis papunta sa school. Tinanghali kasi ako ng gising kanina, kung hindi pa nga ako tinawagan ni Maddie kanina hindi pa ako magigising. Bakit naman kasi sa dinami-raming araw, kagabi pa ako dinatnan ng buwanang dalaw ko, kaya ayun madaling araw na ata ako nakatulog dahil sa dysmenorrhea ko. Ngayon pa naman ang first day namin sa college, kaya itong bestfriend ko excited.

"Hoy, Callista, kanina pa yang malapit mo na yan. The last time I called you 30 minutes ago ganyan din ang sabi mo, pero hanggang ngayon wala ka pa." iritable niya naman tugon sa akin.

"Sorry na best tinanghali kasi talaga ako ng gising alam mo naman ang sakit ko buwan-buwan diba. Pero malapit na talaga ako, 10 minutes nandyan na ako. Mauna ka na sa auditorium pag-reserve mo nalang ako ng upuan ha. Salamat best I Love You" paglalambing ko nalang sa kanya sabay baba ng tawag. Ang totoo malapit lang naman talaga ang inuupahan kong apartment dito sa school namin pwede ngang lakarin kung tutuusin pero dinala ko na nga lang din ito e-bike ko para mabilis ako.

Wala pa namang sampung minuto ay narating ko na din ang school namin. Agad naman akong tumuloy sa auditorium kung saan gaganapin ang orientation ng mga freshmen na kagaya ko.

Hindi naman ako nahirapang hanapin sa Maddie ng marating ko ang bulwagan. Paano ba naman, siya lang ang namumukod tanging blonde hair sa buong silid. Natural kasi ang kulay ng buhok nito na nakuha niya sa kanyang banyagang ina na bibihirang matagpuan dito sa Pilipinas, kaya naman litaw na litaw siya sa karamihan.

"Hey best friend, what's up" yakap ko sa kanya ng makalapit ako sabay upo sa bakanteng upuan sa kanan niya.

"Wag mo akong daanin diyan sa payakap-yakap mo Calli ha. Hindi ako natutuwa. Pinag-antay mo ako ng mahigit kalahating oras" nakasimangot naman niya sagot sa akin.

"Sorry na nga kasi" lambing ko pa dito sabay abot ng isang box ng cookies na binake ko kagabi. Paburito niya kasi yun kaya madalas akong mag bake para sa kanya lang talaga, hindi naman kasi ako mahilig sa mga matatamis.

"Ano 'to? suhol sa kasalanan mo" sabi niya sabay tanggap ng bigay ko.

"Suhol agad? Hindi ba pedeng love gift muna para sa best friend ko"

"Hay nako Calli, kung 'di lang talaga kita mahal" sagot naman niya habang tinitikman ang isang cookies na binigay ko. "pasalamat ka nalang talaga at hindi pa nagsisimula ang orientation at umabot ka pa"

"Akala ko nga sobrang late na ako, buti nalang talaga hindi pa nag sisimula"

Natahimik naman kaming pareho ng magsimula na ang programa. Halos dalawang oras din ang tinagal nito kaya naman inip na inip ako.

Agad din naman kaming nag hiwalay ni Maddie matapos ang orientation. Magkaiba kasi kami ng course dalawa, ako kasi Bachelor in Performing Arts ang kinuha ko pangarap ko kasi talaga ito mula pa pagkabata, gustong-gusto ko kasi talagang mag perform sa harap ng maraming tao, yun nga lang may pagkamahiyain ako, pero ayos lang din naman ma-o-overcome ko din naman siguro yun pag tagal. Samantalang ang kaibigan ko naman ay kumukuha ng Political Science, mula din kasi si Maddie sa pamilya ng mga abugado kaya naman hindi nakapagtataka na iyon ang kinuha niya kurso.

Pentagon Series 1: DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon