Eight: His Family

145 124 6
                                    


-Home is where you are loved the most and act the worst-


We are on are way going back to Manila. It was already five in the afternoon when we decided to go back home.

Austine's phone rang so he asked me to answer it for him. "Hello Mom" He answered.

"..... Yes Mom" patuloy nitong makikipag-usap.

"...... nasa Manila na bakit?" muling sagot nito.

"........right now? .......... what happed?" may pag-aalalang tanong naman nito. Hindi ko naririnig ang usapan ng mag-ina dahil naka connect sa earpiece ni Austine ang tawag nito. But base on his expression I know something happened.

Agad naman niya binaba ang tawag ang muling nag focus sa pagmamaneho.

"May nangyari ba?" tanong ko dito matapos ang ilang sandali.

"I don't know" may pag-aalala sa kanyang boses.

"...... mom just said I need to go home now, may emergency daw sa bahay. Hindi naman niya sinabi kung ano" patuloy pa nito.

Nagpatuloy lang ang byahe namin. Hindi na ako nag salita pa dahil kita ko sa kanyang mga mata ang labis niyang pag-aalala.

I notice that the road we are heading now are different. Hindi ito ang pauwi sa apartment ko. "Love, san tayo? Hindi ito ang daan papunta sa apartment." sabi ko na sa kanya.

"Oh, I'm sorry Love. Nawala sa isip ko na kasama kita. I'm too worried on what happened sa bahay. Masyado na tayong malayo para bumalik. Okay lang bang sumama ka na sa akin, saglit lang tayo titingnan ko lang kung anong nangyari, then I will drive you home."

"Wala naman problema. Okay ka lang ba?" tanong ko nalang.

"Actually no. Sobra lang akong nag-aalala." Pag-min naman nito.

After thirty minutes, pumasok ang sasakyan ni Austine sa isang private subdivision. I know it's still part of Manila pero hindi na ako pamilyar sa lugar na ito. Binaybay nito ang kalsada at narating namin ang pinakadulo nito. Dito matatanaw mo ang isang eleganteng bahay-- no mansyon na nga ata iyon dahil sa sobrang laki. Malayo ito sa ibang mga bahay hindi katulad ng mga nadaanan namin. Napapalibutan ito ng matataas na bakod. Nang tumapat ang sasakyan ni Austine dito ay agad naman itong bumukas. Nagtataka nga ako paano iyon bumukas ganong wala namang tao sa palingid.

"It has a sensor" sabi ni Austine ng makita ang kamanghaan sa aking mukha.

Pagpasok palang ng gate matatanaw mo na ang isang malaking fountain sa pinakagitna ng bakuran. Sa kanan naman nito ang ang iba't ibang klase ng mga mamahaling sasakyan, nasa sampu ang bilang nito hindi pa kasama ang gamit ni Austine ngayon.

We just parked in front of the main door. Hindi na nga inayos ni Austine ang pagkakaparada ng kanyang sasakyan marahil sa kagustuhan na din nitong malaman ang tunay na nangyari sa kanyang mga magulang

Lumabas na din ako at tahimik lang na nakasunod sa kanya. "Mom....." tawag nito.

"Oh Sweetheart, you came home." turan ng isang babaeng kakalabas lang sa isang silid na tingin ko ay ang kusina. Bigla kasing umalingasaw ang masarap na amoy ng pagkain, tapos nakasuot pa ito apron at tila kakagaling lang sa pagluluto.

Hinalikan lang ng babae si Austine sa kanyang pisngi. Maganda ang ginang. Kung titingnan mukha lang itong nasa 30s dahil sa ganda ng kanyang mukha at kutis. Wala siyang kahit na anong kolorete sa kanyang mukha pero kitang kita mo pa rin ang kanyang ganda, lalo na siguro nung kabataan nito.

Pentagon Series 1: DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon