Ten: Anniversary

140 118 6
                                    

"Hindi mo kailangang magbigay ng regalo sa akin Love, dahil ikaw pa lang sapat na sa akin. Ang piliin at mahalin mo ako ang pinakamagandang regalo na natanggap ko sa buong buhay ko. "

-Austine Matthew Ocampo-


"Tired" Austine said while giving me bottled of water. Kasalukuyan kami ngayon na nasa isang shelter dito sa Laguna. Anniversary ng Club ngayon ang naisipan namin dito sa shelter mag diwang ng nasabing okasyon.

Madami kaming inihanda para sa mga bata dito sa shelter, merong mga games at iba't iba pang interactive activities. Ala-singko na din ng hapon ng matapos ang mga gawain namin dito. Sa ngayon ay nag aayos na ang grupo para sa pagbalik sa Manila.

"Yeah, a little. Sobrang hyper ng mga bata, hindi ko masabayan" nakangiting sagot ko naman.

"Oo nga, parang walang mga kapagudan" Sigunda naman niya.

"Amo, Calli paalis na tayo sasabay ba kayo?" tawag naman sa amin ni Carlo. Nasa loob na kasi ng bus ang lahat at kami nalan ang inaantay.

"Hindi na Bro, may dala akong kotse" si Austine na ang sumagot para sa aming dalawa.

"Sya sige, ingat nalang kayo, kita nalang uli tayo sa Lunes" paalam nalang ng lalaki bago tuluyang umalis

"Let's go Love." Austine said.

Tumayo na din ako at nagpatianod sa kanya hanggang sa marating namin ang kanya sasakyan. Tahimik lang kami buong byahe, marahil ay talagang napagod sa mahapon pakikipaglaro sa mga bata.

Nang makalagpas na kami sa SLEX ay napansin kong iba ang daang tinutungo niya. Hindi ito ang daan pauwi sa apartment ko, kaya naman tinanong ko na siya. "Love, san tayo papunta? Hindi ito ang daan pauwi"

Binigyan lang niya ako ng isang mabilis na sulyap bago muling itinuon ang kanyang atensyon sa daan. "Basta, malapit na din tayo" nakangiting tugon lang nito.

Hindi nalang ako muling nagsalita. May tiwala naman ako kay Austine kaya alam kong kung saan kami pupunta ngayon ay hindi ako mapapahamak. Sa loob ng dalawang taon naming magkarelasyon, never naman siyang gumawa ng mga bagay na ikasisira ng tiwala ko.

Tumagal pa ng halos kalahating oras ang aming biyahe, hanggang sa mapadpad kami sa isang abandonadong amusement park sa bandang Batanggas. Dahil sa tagal ng aming biyahe ay halos kapit dilim na din ng marating namin ang lugar.

Malaki ang parke, para nga itong Disneyland kung tutuusin, yun nga lang kita mo na matagal na itong abandonado, kinakalawang na din kasi ang ilan sa mga bakal na nakatayo dito.

Bumaba sa sasakyan si Austine at pinagbuksan naman niya ako pagkatapos.

"Where here" nakangiti niyang sabi habang inaalalayan ako palabas ng sasakyan.

"Anong lugar 'to? Saka bakit dinala mo ako dito?" namamanghang tanong ko naman sa kanya habang patuloy pa ring inililibot ang aking paningin sa paligid.

"I just want to bring you here, this is one of my favourite place" he said.

Tunay nga na maganda ang lugar, malawak din ito, at kung siguro hindi ito naabandona at patuloy pa rin ito bukas marahil mas lalo itong gumanda.

"But this is an abandon place, what's special here?" tanong ko sa kanya.

"Yeah, it is an abandon place now. But it was a beautiful place back then." He answered while smiling. Naglakad kami ng magkahawak ang kamay hanggang sa marating namin ang pinakagitna ng parke. Bitbit niya sa isa niyang kamay ang isang basket na hindi ko mawari ang laman.

Pentagon Series 1: DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon