Six: His Property

157 136 11
                                    


".............But for now I only want one thing, and that is to be part of his property"

-Callista Elora Alegria-



Halos isang linggo kong iniwasan si Austine dahil sa nangyari, to be exact 4 days ko siya iniiwasan. Mahirap dahil classmate kami, pero ramdam ko pati siya naiilang din pag magkasama kami.

During Lunch time I go with my other female classmate. Siya ganun din naman, nakikita ko siya kasama ng mga lalaki naming kaklase. Hindi na din ako sumasabay sa kanya sa pag-uwi, even though tinatanong naman niya ako kung gusto kong sumabay sa kanya, but I always declined it.

Sabado ngayon ang naghahanda na ako para sa gaganaping Acquaintance Party ng university. It's a traditional welcome party para sa lahat ng freshmen sa school mula sa iba't ibang department, at kahit ayaw ko man wala din akong choice dahil we are required to attend.

Si Maddie ang sumundo sa aking sa apartment, sabay na din kaming nag tungo sa hall kung saan gaganapin ang party. There's already a lot of students when we enter. Humanap lang kami ng Maddie ng isang bakanteng table para doon umupo, kaso wala kaming makita.

"Maddison, Calli" tawag sa amin ng isang lalaki sa di kalayuan sabay kaway sa amin. Hindi ko ito masyadong makilala dahil medyo madilim na din ang palingid.

Lumapit kami dito. Si Seb pala ang tumawag sa amin ang kambal ni Maddie. Yes, kambal sila hindi nga lang halata pero totoong kambal sila.

"Dito na kayo umupo may bakante pa dito" turan muli ni Seb pagkalapit namin.

Sakto naman dahil may dalawa pang bakanteng upuan sa table nila sakto para sa amin dalawa ni Maddie. Kaso hindi ko lang sure kung tama ba na dito kami maupo, nandito din kasi si Austine at matalim na nakatingin sa akin.

Wala naman na akong nagawa ng umupo na si Maddie sa isang bakanteng upuan. Gusto ko nga sana siya hilahin para makipagpalit ng upuan dahil sa ginawa niya tanging ang upuan nalang sa tabi ni Austine ang bakante.

Kahit hindi kumportable nagawa ko pa din umupo sa tabi niya. "Ano ba yang suot mo ang iksi, sobrang hapit pa" pabulong na wika ni Austine sa 'kin. Tila hindi naman ito narinig ng mga kasamahan ko dahil patuloy lang sila sa pagkukwentuhan.

Aminado naman ako na maiksi at hapit talaga itong suot ko. Hindi naman kasi ito sa akin kay Maddie kasi ito, pinahiram niya lang sa akin dahil wala talaga akong susuutin ngayong gabi.

Isang kulay itim na tube dress ang suot ko ngayon. Hanggang kalahati ng hita ang haba nito, kaya naman konting maling kilos ko lang panigurado makikitaan ako. Hapit na hapit din ito sa katawan ko. Kitang kita tuloy ang kurba ng aking katawan. I have a gifted breast kaya siguradong kita-kita din ang cleavage ko.

Maddie stand up together with the other guys on our table when the upbeat music play. Inaya ako ni Maddie na sumama pero tumangi ako. Hindi naman kasi din ako marunong sumayaw kaya mas pinili ko nalang pumirmi dito sa aming lamesa.

Naiwan kaming dalawa ni Austine dito sa lamesa namin. Nakita ko naman na hinubad nito ang coat niya at inilagay niya ito sa aking balikan.

"Suot mo na yan, pinagtitinginan ka ng madami dahil sa suot mo" wika uli nito.

"Salamat" nahihiyang tugon ko naman."Kay Maddie kasi itong damit, hiniram ko lang. Wala naman kasi akong maisusuot dito kung hindi niya ako pinahiram" paliwanag ko pa.

Pentagon Series 1: DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon