Twenty-Three: Mine Again

44 37 4
                                    


.......silently hoping that you will be mine again.



Two weeks had past and still no progress. Calli came to our practices and talked about the preparation for the concert, pero hanggang doon lang. She will stay with us for 8 to 10 hours per day every Monday and Wednesday but she was so strict that we should talk only about business and work, nothing more, nothing less.

Like this past few weeks Monday and Wednesday is very important to me. Maaga akong nagising para maghanda sa practice namin. Nagluto din ako ng breakfast and decided to put it in the lunch box para maibigay ko kay Calli mamaya. Napansin ko kasi na every morning hindi siya nag te-take ng breakfast bago pumunta sa studio, kaya naman pinagluto ko nalang siya ngayon, I just hope na tanggapin niya mamaya. I'm also planning to buy her a flowers, tamang tama at may nakita ako flower shop sa baba ng hotel.

This is all new experience to me. Ni hindi ko nga natandaan na niligawan ko si Calli before. But I'm much willing to court her forever as long as she will stay besides me.

Dahil mas maaga akong umalis sa hotel kumpara sa ibang ka banda ko kaya naman pagdating ko sa studio ay kami lang dalawa ni Calli ang nandoon.

"Good Morning" nakangiting bati ko sa kanya.

"Morning" simpleng sagot lang niya habang tutok na tutok ang mga mata sa kanyang laptop.

Lumapit lang ako sa mesang ginagamit niya tuwing may practice kami sabay lapag ng lunch box na bitbit ko. "Breakfast tayo" ani ko dito.

"I'm good ikaw nalang ang kumain habang inaantay natin ang iba." Malamig na turan pa rin nito.

Marahan ko namang isinara ang laptop na kanyang ginagamit at bahagya itong itinabi. "Let's eat breakfast. I know hindi ka pa kumakain" pinal na saad ko naman sabay bigay sa kanya ng kutsara at tinidor na kanyang gagamitin sa pagkain ng fried rice and fried bangus na inihanda ko.

Wala naman siyang nagawa marahil dahil na din sa gutom ng maamoy niya ang pagkaing dala ko. We just eat silently, gustuhin ko mang magopen ng topic na pede naming mag usapan ay hindi ko magawa.

"Bakit nauna ka, asan yung iba?" tanong ni Calli pagkatapos sumubo ng kanyang pagkain.

"Susunod na din yung mga yun. Maaga akong nagising kaya nauna na ako sa kanila. Ikaw, bakit ang aga mo" Sagot ko naman.

"I don't want to be late, dumertso na ako dito pagkagaling ko sa hospital" wala sa sariling sagot naman nito.

"Sinong nasa ospital?" taking tanong ko naman.

Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat. Marahil ay hindi nito napansin kanina ang na nabanggit niya ang tungkol sa pagbisita nito sa ospital. "Ahhh.... Yung anak ng kaibigan ko... oo tama, maysakit kasi dinalaw ko" uutal-utal naman nitong tugon.

Naputol naman ang usapann naming dahil sa pagdating ng mga kabanda ko. Sakto naman na tapos na din kaming kumain kaya naman nag warm up lang kami ng sampung minuto bago sinimulan ang pag-eensayo.

In lunch time, napagkasunduan naman ng grupo na sa isang Korean restaurant malapit sa building kumain. Wala namang tumutol sa grupo ko, o maging sa grupo ni Calli kaya naman lahat ay sumama sa pagkain. There's a private room also in the said restaurant kaya naman kahit madaming tao ang nakakakilala sa Pentagon ay hindi naman kami naabala.

"Guys we have a small party in the hotel tonight. Aasahan ko kayo ha, I don't take no for an answer." Pukaw atensyong sabi naman ni Ryan sa kalagitnaan ng aming pagkain.

Pentagon Series 1: DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon