Thirteen: Her Family

111 100 4
                                    


-The love of a family is life's greatest blessing-



Alas-dyes na ng gabi ng magising ako dahil sa pagkatok ni Nanay sa pinto. "Calli, Nak gising ka muna dyan. May bisita ka sa labas." Sabi pa nito.

Pupungas-pungas ko iminulat ang aking mata at marahang umupo bago ko siya tugunin. "Sino daw po Nay?" tanong ko. Wala naman kasi akong inaasahan na bisita sa ganitong oras. Kung ang mga kaibigan ko naman dito sa probisya ay imposibleng pumunta sila ngayon, maaaring bukas pa na umaga.

"Nandito si Austine. Lumabas ka na dyan at nakakahiya sa tao. Gabing-gabi na nagawa pang bumyahe para makapunta lang dito." Sagot naman ni nanay. Tila humiwalay naman ang aking kaluluwa sa aking katawam sa nadinig. Ang aking antok na antok na katawan ay biglang nagising dahil sa tinuran ni Nanay.

Nagmamadali naman akong nag ayos at lumabas ng aking silid. When I reach our sala, I saw my Tatay talking with Austine. Sakto namang dumating si Nanay galing kusina na may dalang apat na tasang kape.

"Oh, nandito na pala si Calli" pag-agaw ng atensyon ni Nanay dahilan upang mapunta sa akin gang tingin ni Tatay at Austine.

"Nak halika nga dito", Sabi naman ni Tatay sa akin. "Akala ko ba ay madaming ginagawa sa Maynila itong boyfriend mo. Hindi mo man lang sinabing susunod pala ito dito, di sana ay nagpabukas na kayo ng uwi para sabay kayong dalawa alam mo namang napakalayo nitong lugar natin, hindi sana nagkandaligaw-ligaw itong batang ito." Dugtong pa ni Tatay habang naglalakad ako palapit sa kanilang pwesto.

Naupo naman ako sa mahabang upuan katabi ni Austine dahil si nanay at tatay ay parehong inukopa ang single seater naming upuan.

Agad namang hinuli ni Austine ang aking kamay upang ito ay hawakan bago niya nagawa sagutin si Tatay para sa akin. "Hindi naman po alam ni Calli tito na susunod ako ngayon. Talagang gusto ko lang din pong pormal na magpakilala sa inyo kaya pumunta din po ako dito." Paliwanag pa niya.

"Masyadong delikado hijo ang ginawa mo sana ay nagpaumaga ka nalang o kaya ay tinawagan mo sana itong si Calli, para naabangan ka naming sa may kanto, napakadaming loko pa naman dito sa lugar namin lalo na sa mga dayo. Buti nalang kamo at kapitbahay namin ang napagtanungan mo" may pag-aalala pa ring turan ni tatay.

"Sorry po tito, tita" hinging paumanhin nalang ni Austine.

"Ay sya bukas na natin iyan pag-usapan, ikaw ay magpahinga na muna at alam ko namang napagod ka din sa byahe mo. Kami ay tutulong lang sa paggagayat ng mga karne at gulay sa labas para bukas ay mabilis nalang ang pagluluto." Ani nalang ni nanay.

"Calli, ipagamit mo muna dyan sa nobyo mo ang kwarto ng kuya mo, total bukas pa naman uuwing mag-anak." Dugtong pa ni Tatay bago sila lumabas bitbit ang kani-kanilang tasa ng kape upang manulungan.

Nag patay kasi ng dalawang baboy kaninang hapon para gawing handa bukas para sa anniversary nila Nanay at Tatay. 30 years na kasi silang kasal kaya naman talagang pinaghandaan din ng kuya at ate ko ang okasyong ito. May surprise na renewal of vows pa nga kaming inihanda na gaganapin sa simbahan malapit sa amin para sa kanila.

Naiwan naman kaming dalawa sa sala matapos lumabas nila Nanay. Agad naman akong inakap ni Austine ng makita nakalabas na aking mga magulang. "Love......" he said in a soft voice. Halata ang pagod dahil sa ilang oras na pagmamaneho. "I'm really sorry Love." Muling hinging paumanhin niya.

I let a sigh realise from my chest before I face him. Kumawala ako ng marahan mula sa kanyang pagkakayap. "Pagod ka na sa byahe Austine, pagpahinga ka na muna, bukas na tayo mag-usap." Sabi ko nalang sabay tayo.

Pentagon Series 1: DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon