Eleven: Memories and Happiness

134 112 7
                                    

We don't need an expensive things to have a beautiful memories, what we need is a genuine happiness to create wonderful memories



"Saan ba tayo pupunta" tanong ko kay Austine matapos ang halos isang oras naming byahe matapos niya akong sunduin sa aking apartment kaninang umaga. Bakasyon ngayon sa eskwela at plano ko sanang umuwi sa probinsya namin para dalawin sila mama, pero hindi iyon natuloy ng makiusap si Austine na kahit ngayong baskasyon lang ay ilaan ko muna sa kanya para makapamasyal kami. Dumadami na din kasi ang mga gawain namin sa school kaya madalang na din kaming makapamasyal.

"Ikaw, kahit saan." nakangiting tugon naman nito habang tutok pa rin ang kanyang atensyon sa daan.

Napamaang naman akong napalingon sa kanya dahil sa kanyang tinuran. "Anong kahit saan?" takang tanong ko naman.

"Sabi ko naman sayo di ba pasyal lang tayo. Kaso wala pa akong maisip na puntahan sa ngayon kaya road trip muna tayo. Ikaw baka may gusto kang puntahan." tugon naman niya.

Minsan talaga hindi ko din maintindihan ang isang ito eh, ang lakas ng loob mag-aya ng gala wala naman palang tukoy na lugar na pupuntahan. Patuloy lang siya sa pagmamaneho hanggang sa inabutan na kami ng gutom na dalawa. Huminto lang kami sa isang sea food restaurant dahil sabi niya nung isang linggo pa daw siya nag crave doon. May alergies ako pag dating sa seafoods pero ayos lang din naman dahil may gamot naman akong iniinom kung sakaling makagusto akong kumain nito.

"Ayos lang ba sayo na dito tayo kumain Love?" nag-aalalang tanong naman nito.

"Okay lang Love, uminom naman akong gamot kanina. Saka nag order ka naman ng meat and vegetables diba, kaya okay lang." ani ko naman.

Habang nag-aantay kami ng aming orders ay pareho kaming nag browse muna ng aming mga social media account. Nakapukaw sa aking atensyon ang isang magandang tanawin na ibinahagi ng isa sa mga facebook friends ko.

"Love, tingnan mo to oh, parang ang ganda dito" pakita ko sa kanya ng larawan. Isa itong top view kung saan kitang kita ang isang lawa na may iba't ibang maliliit na parang isla.

"I think sa Tagaytay yan." kumento naman nito.

"Talaga? Malayo ba yan dito?" tanong ko naman habang patuloy na tinitingnan ang ibang mga larawan. Sa ilang taon ko na kasi dito sa Manila, pero madalang pa din akong makapamasyal sa mga karatig na lugar nito kaya naman madami pa din akong halos hindi pa na pupuntahan.

Ibinaba naman ni Austine ang kanyang cellphone at ibinigay na ang kanyang buong atensyon sa akin. "Not really maybe an hour or two from here, depende sa trapik. Why gusto mo bang pumunta dyan?"

"Sana. Ngayon ko lang nakita ito. Hindi pa ako nakakapunta dito, the view seem very beautiful and relaxing." ani ko naman sabay baba din ng hawak kong cellphone. Sakto naman na dumating na din ang mga orders namin kaya nagsimula na din kaming kumain.

"We can go there if you want." he said.

"Pero sabi mo matagal ang byahe. Tanghali na din for sure trapik na din." sabi ko nalang. Gusto ko talagang pumunta sa lugar na iyon kaso sobrang hassle naman kung ipipilit ko pa. Alam ko din sobrang mapapagod si Austine sa pagmamaneho tapos hindi pa namin ma eenjoy masyado dahil limited na ang oras namin.

"We can go and stay there overnight kung gusto mo" sabi pa nito habang patuloy na binabalatan ang hipon at inilalagay sa pinggan ko. "We have prosperities there. Ang alam ko hindi pa tapos ang family house namin sa subdivision pero pwede naman nating gamitin ang isa sa mga houses for a night." patuloy pa nito.

Pentagon Series 1: DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon