Twenty: End

57 50 4
                                    


The only love that I really believe in is a mother's love for her children


It's been a week since I confirm that I was pregnant, and until now I still can't tell it to Austine. I tried to message him and call him asking kung pede ba kaming magkita kahit saglit lang. Gusto ko kasing sabihin sa kanya ang balita ng personal para mas mapag-usapan din naming ang dapat naming gawin, but until now wala pa din akong reply na natatanggap sa kanya, his last message was the day we last talk to each other and it is just a plain sorry and I love you.

"Did you contact him already?" Amir asked ng magkita kasi sa cafeteria ng university. Mula kasi ng nalaman kong buntis ako ay hindi na muna ako umaatend ng mga practice ng grupo. Lumipat din muna ako pansamantala sa dating apartment ko at sinasbi ko nalang sa agency na hanggang ngayon ay may sakit ako. Luckily Amir knew someone na pedeng gumawa ng medical certificate ko para maipadala sa agency.

Tinanggap ko naman muna ang egg pie na binili niya para sa akin habang siya naman ay umupo na din sa bakanteng upuan sa harapan ko. "Hindi pa eh. I tried to send him again a message this morning wala pang reply. I also call him kanina nag ring lang" malungkot na turan ko habang sinisimula ng kainin ang pie na bigay niya.

"Anong plano mo?" muling tanong niya. "You know I know someone from his agency pede kong ipatanong kung saan ba ang grupo niya ngayon tapos pede kitang samahan papunta sa kanya." Dagdag pa nito.

"Salamat Amir ha. But let's wait a little more. This Friday is our anniversary, siguro naman magagawa niya akong kontakin. But if ever hindi ko pa din niya makausap, I will accept your offer." Ani ko naman.

We just talk for few more minutes bago kami nagtungo sa klase namin. Bukod tanging si Amir lang din kasi ang nakakaalam n sitwasyon ko ngayon kaya naman siya lang din ang lagi kong kasama ngayon.

Hindi ko din kasi masabi kay Maddie ang sitwasyon ko dahil hindi pa din kami nagkikitang dalawa. She is also experiencing a problem right now with her relationship with Edner kaya naman hindi ko din ito maabala.

Dumating ang Biyernes at wala pa din akong natatanggap na kahit ano mula kay Austine. I decided to give him a last call bago ko sana tawagan si Amir to accept his offer. Buti nalang at sa pagkakataong ito ay sinagot na ni Austine ang tawag ko and he agree to meet me in the nearest park dito sa tinutuluyan ko.

I waited for him for about 30 minutes, at ng makita ko siyang papalapit sa akin ay tila nabuhayan ako ng loob.

"Austine pede ba kitang makausap" Kinakabahang sabi ko sa kanya ng makalapit siya sa akin.

"Ano pa bang pag-uusapan natin? Kung tungkol na naman ito sa relasyon natin, ilang beses ko na itong pinaliwanag sa iyo diba, pansamantala lang naman ito Calli." malungkot na turan niya.

Isang malalim na buntong hininga lang ang kanyang pinakawalan bago muling nagpatuloy. "Let's keep our relationship private, hanggang sa maging stable lang ang grupo, isang buwan lang naman ang inaantay namin, Love. Sana maintindihan mo." Mahabang paliwanag niya.

Ni hindi man lang muna niya ako pinakinggan sa sasabihin ko. Alam kong matagal na niya itong pangarap, ang mag debut ang mag perform sa malaking entablado. Ilang taon na din siyang sumusubok para maabot ito at ngayon nga na abot-kanay na niya ang pangarap niya.

We've been together since first year college. Our relationship was so smooth. Wala nga kami halos pinag-aawayan. We are very supportive to each other, if there's a problem we instantly talked and fixed it before the day end. Kung meron man kaming malalang away, yun ay naganap isang linggo na ang nakararaan, nang lumabas ang iba't ibang balita tungkol sa kanya. He wants to keep our relationship a private. Hindi ko maintindihan noong una, pero ng naipaliwanag na niya ang sitwasyon ay pinilit ko naman itong intindihain. But the situation now is different. Hindi na lang ito tungkol sa akin at sa kanya, may kasama nang maliit na buhay ngayon na kailangan naming isaalang-alang.

Pentagon Series 1: DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon