Four: Party

167 145 11
                                    


"A little party don't killed nobody"


Sabado ngayon at walang pasok. Kaya naman naisipan kong nag general cleaning nalang nitong apartment na tinutuluyan ko. Mula kasi ng nagpasukan hindi ko na nagawang linisin ng maayos itong tinitirhan ko. Naging abala din kasi ako sa mga Acad subjects ko, lalo na at scholar lang ako dito sa school kaya ako nakapasok.

Mula second year high school ay namuhay na akong mag-isa dito sa Maynila. Noon kasi nagsimula ang scholarship ko ng manalo ako sa isang quiz bee contest sa probinsya namin. Sayang naman ang oportunidad kaya kahit labag sa loob nila Mama at Papa pinayagan na din nila akong dito sa Manila mag-aral.

Isang maliit na apartment lang naman ang inookopa ko, pag-aari ito ng isa sa mga kaibigan ni Mama dito sa Maynila. Malayo kasi ako sa pamilya ko na nasa Nueva Ecija, kaya naman pinakiusap nalang ako ni Mama sa kaibigan niya na dito tumuloy sa kanyang paupahan. Para kahit papaano daw may titingin-tingin sa akin.

Kakatapos ko lang maglampaso ng sahig ng biglang may tumawag sa aking cellphone. "Calli buksan mo ang gate, ang init dito." tugon agad sa akin ni Austine na nasa kabilang linya matapos ko itong sagutin.

"Ayos ah, wala man lang hello hello sayo. Saka anong ginagawa mo dyan tanghaling tapat nasa galaan ka" sagot ko nalang.

"Bilis na, buksan mo na muna" iritableng sagot nalang niya sabay baba ng tawag. Ayos din talaga minsan ang lalaking yon eh kala mo kung sinong boss kung makapag-utos, sabagay "amo" nga pala siya sa iba.

Mabilis ko namang tinungo ang labas ng aking apartment at agad siyang pinagbuksan. At ang magaling na lalaki, dere-deretso lang papasok sa loob ng bahay ko, hindi man lang tinanggal ang kanyang sapatos.

"Hoy Austine yung sapatos mo naman, kakalinis ko lang nagdudumi ka na naman." reklamo ko sa kanya. Pero tila wala siyang narinig at deretso lang sa maliit kong sala at binuhay ang maliit ko electric fan sabay tutok sa kanya.

"Bakit kaba nandito?" tanong ko nalang sa kanya habang muling pinupunasan ang sahig na kanyang dinaanan kanina.

"Sinusundo ka" walang emosyon niya sabi.

"Bakit? Anong meron?" tanong ko muli sa kanya. Sa pagkakatanda ko kasi wala naman kaming usapan na aalis kami.

"May after party ang club diba gawa ng natapos na play. Kila Carlo gaganapin kaya dinaanan nakita" ani naman nito.

Oo nga pala tuwing pagkatapos ng isang event ng club lagi itong may maliit na salo-salo. Noong nakaraan nag swimming kami sa isang resort, at ngayon ang alam ko isang house party naman sa bahay ng kasamahan namin na si Carlo. Pero wala talaga akong balak sumama sa ngayon. Nababagot lang kasi ako, wala naman kasi akong ginagawa doon di katulad ng iba na nag iinuman at litiral na nag pa-party-party.

"Hindi naman ako pupunta don" sagot ko naman sa kanya. "ikaw nalang pumunta" dugtong ko pa.

"Anong namang gagawin ko dun kung hindi ka kasama" turan naman nito habang papunta sa aking kusina para kumuha ng maiinom. Madalas na din kasi dito sina Austine at Maddie kaya naman tukoy na tukoy na nila ang bawat sulok ng bahay ko. "saka hindi pedeng hindi ka pupunta, tinawagan ako ni ate Angela hindi ka daw pedeng mawala. Punta na tayo kahit saglit lang, tapos uwi na tayo agad" dugtong pa nito matapos uminom.

"Pero hindi pa ako nakakaayos. Tingnan mo nga itong suot ko. Wala naman kasi talaga akong plano dyan kaya nag linis nalang ako nito bahay" Sagot ko nalang.

Pentagon Series 1: DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon