Three: Play

177 158 14
                                    


"Every small steps is a big achievement."



"Calli, nasan ang yung mga flowers na gagamitin natin sa play, kailangan na yung maihanda. Magsisimula na tayo in 30 minutes." wika ni Ate Angela ang aming floor director. Senior na siya kaya naman isa siya sa mga tumatayong leader namin dito. Mabait si ate Angla, sa katunayan nga siya ang isa sa mabilis kong naging kaibigan sa club.

"Ate nilagay ko na po sa may table malapit sa stage para kukunin nalang mamaya pag kailangan na" sagot ko naman habang inaayusan ang isa sa mga dancer para mamaya.

"Ganun ba, sige salamat Calli." sagot naman nito bago umalis. Pero agad din siyang napabalik ng may maalala "Siya nga pala nakita mo ba si Agatha malapit ng magsimula ang play hindi ko pa siya nakikita, kailangan na n'yang maayusan"

Tinapos ko naman ang paglalagay ng lipstick sa isa naming kasamahan bago ko siya harapin. "Nako ate hindi ko pa po siya nakikita mula kanina, akala ko naman nasa dressing room na siya ng mga main cast" sagot ko naman. Dalawang room kasi ang gamit namin, ang isa ay para sa main cast at ang isa naman ay para sa mga dancer na mag pe-peform din mamaya sa play.

"Hala paano yan? wala pa siya, pakitawagan naman oh" nag-aalalang tugon naman ni ate.

"Sige po ate wait lang po tawagan ko" sagot ko naman habang dinadial ang number ni Agatha.

"Ate hindi po nasagot eh" muling sabi ko sa kanya.

"Bakit naman kasi ngayon pa siya nawala kung kailan magsisimula na ang play? Siya pa naman ang lead character dito" iritable nang tugon ni ate. "Wala bang pwedeng pumalit sa kanya? Kailangan na nating maghanda" dugtong pa nito.

"Ate si Calli, memorize niya ang lines ni Agatha, nakita ko sila minsan ni Amo nag papractice sila" sabat naman ng isang dancer na kasama namin.

Bigla namang nagliwanag ang muka ni Ate Angela, "Yun naman pala, sige na Calli mag bihis ka na. Ikaw na ang umakyat sa stage mamaya para sa role ni Agatha" nagmamadaling sabi naman nito.

"Pero Ate hindi pa ako nakakapagplay before, saka hindi ko masyadong alam ang gagawin" pagpoprotesta ko naman

"Calli we don't have much time kailangan na nating magsimula, ang dami ng tao sa labas. Saka lagi ka naman nasa rehearsal diba, for sure alam mo na ang mga blockings doon." paliwanag pa nito.

"Pero Ate......" naputol naman ang pagpoprotesta ko ng biglang bumukas ang pinto ang niluwa nito sa Austine na bihis na bihis na.

"Oh ayan pala tamang-tama, Amo guide mo naman si Calli oh, siya makakapareha mo mamaya, wala pa kasi si Agatha hindi naman namin ma-contact, malapit nang magsimula ang palabas." baling ni ate Angela sa bagong dating.

Bigla namang nagliwanag ang mukha ni Austine dahil sa narinig. "Sige ate ako na po bahala" masigla pa nitong sagot.

"Salamat Amo, ikaw na bahala, babalik nalang ako in 15 minutes." pagtatapos pa ni ate. "Calli mag-ayos ka na ha" baling naman nito sa akin.

Sobra-sobra ang kaba ko ng makalabas na si Ate Angela. Nagsimula na din ang mga kasamahan ko sa pag-aayos sa akin. Binigyan na din ako ng Carlo ng script para habang inaayusan ako mabasa ko ito.

Oo nga at kabisado ko ang daloy ng play maging ang script ni Agatha, lagi din naman kasi akong present sa mga practice dahil kay Austine, pero iba pa din ang totoong play na, wala akong experience dito.

Pentagon Series 1: DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon