PROLOGUE

1.3K 40 14
                                    

Personal work of Red Auza, exclusively free to read on Wattpad. No one can distribute this story in any group for a fee. If you paid to read this, thieves are profiting from my story. Let's not support such practices. It's unfair to authors who stay up late creating for free, only to have their stories exploited by others. I repeat, this is FREE TO READ.

Please limit your expectations.
Expect errors, such as grammar mistakes and typos. I appreciate your understanding.

This story contains language that is not suitable for young readers.
It includes profanity, sexual content, explicit language, substances, alcohol, and other mature themes.

Content Warnings:

Sexual Content: Graphic depictions of sexual situations may be present.Violence: Scenes of violence or physical abuse may be included.Substance Use: References to drug and alcohol use may be depicted.Mental Health Issues: Themes related to mental health struggles may be addressed.Triggering Content: Reader discretion is advised, as some themes may be sensitive or triggering to some readers.

This story is purely fictional.
Any names, places, events, or similarities to actual people or situations are purely coincidental and not intended by the author.

By reading this story, you acknowledge that you are doing so at your own discretion and that the author is not responsible for any emotional or psychological reactions that may occur.

ENJOY READING!

-RED AUZA

AUTHOR

-----

=PROLOGUE=

Hawak ang may kaumbukan kong tiyan, hindi maalis ang ngiti ko habang nakatingin sa kabuohan ng bahay nina Zayn. Magksama kami ni Zayn na pumunta rito dahil ipapaalam na namin sa mommy niya ang kalagayan ko. Ang pagdadalang-tao ko sa anak namin ni Zayn. Pagkatapos namin dito ay sasabihin naman namin sa mommy ko ang tungkol dito.

"Fleur?" napalingon ako sa babaeng may edad na tumawag sa akin. Tumayo agad ako at ngumiti sa kanya.

"Opo," mahina kong sagot.

"Pasensya na at pinaghintay kita. Ako nga pala si Eleanor, ang mommy ni Zayn." Magalang na sabi nito at pagkatapos ay may inabot sa akin. "Ito, kunin mo na nang makakaalis ka na."

"P-po? Ano po ito?" takang tanong ko nang iabot niya sa akin ang makapal na sobre.

"Pera iyan, hija, para sa‎‎'yo at sa magiging anak mo."

"Po? Hindi ko po maintindihan kung ano ang ibig niyong sabihin."

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko, hija? Ang sabi ko...para iyan sa'yo at sa anak mo."

"Bakit niyo po ako binibigyan ng pera? Saka nasaan po si Zayn?"

"Ayaw ka na niyang makita. Pinabibigay niya iyan para umalis ka na."

Parang bomba sa pandinig ko ang sinabi ng babaeng ito na kanina lang ay nagpakilala sa akin na mommy ni Zayn. Ang sabi ni Zayn sa akin ay pupuntahan niya lang ang mommy niya sa kwarto nito. Pero bakit ito na lang ang bumalik ito ay hindi na siya kasama? Hindi lang 'yon...inabutan pa niya ako ng pera at pinapaalis pa.

"Ma'am, baka po nagkakamali lang kayo. Nandito po ako kasi dinala po ako dito ng anak niyo. Ang sabi niya po ay kakausapin ka raw po niya at sabay naming ipaalam ang kalagayan ko."

Del Valle 1: Keisha Fleur's Seductive TouchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon