TWELVE

447 20 4
                                    

"Hey, Keisha, are you ok?"

Napatingin ako sa rear view mirror para salubungin ang tingin ni Zayn.

"Yeah!" mahinahon kong sagot at saka tumingin sa labas ng bintana nitong sasakyan habang umaandar.

"Kanina ka pa tahimik sa bahay. Nakapasok ka na sa trabaho at nakauwi pero tahimik ka pa rin. May problema ka ba?"

"May iniisip lang."

"Tungkol ba kagabi?" Napabalik ang tingin ko sa kanya pero agad ko ring iniwas at muling binalik sa labas ng bintana. "I am sorry about last night, Keisha. Hindi ko intensyon na buksan ang topic na 'yon. Nadala lang din ako dahil sa tama ng alak," dugtong niya.

"It's fine. Alam ko naman. May iba pa akong iniisip."

"Pwede ko bang malaman?" Bumuntong-hininga ako at tumingin sa kanya. "Ok lang din kung ayaw mong sabihin."

"Alam mo ba kung saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Sa sementeryo sabi mo."

"Alam mo ba kung sino ang dadalawin natin?"

"You said your mom."

"No. Hindi lang siya." Mabuti na lang at nasa stop light kami kaya ok lang kahit makikipagtitigan siya sa akin gamit ang rear view mirror. "Ang mga anak mo rin." Sumakto rin na nagbukas na ang ilaw ng stop light kaya binalik na niya sa kalsada ang tingin at hindi na ako kinausap.

"Zeke..."

"Ano'ng meron?" tanong niya na hindi ako pinatapos.

"Kaawaran nila ngayon."

"Ah! Sakto pala ang pagbili ko ng bulaklak, at cake kanina."

"You bought and flowers, and cake?" takang tanong ko.

"Hmp, gusto ko sana ibigay sa'yo ang flower at cake pang peace offering sa nangyari kagabi. Pero kung sa kanila ang punta natin pwedeng doon ko na lang ilalagay ang flowers. Is it fine? OK lang ba na lumapit ako sa puntod nila?"

"Ikaw bahala."

Wala nang nagsalita sa amin. Hindi na rin ako nagtanong ng kahit ano sa kanya at baka kung saan na naman mauuwi ang usapan. Mukha kasing hindi rin siya interisado.

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Zayn ngayon. Kalmado lang siyang nagmamaneho at hindi na nagsalita. Kahit noon pa naman ay laging unpredictable ang kilos niya. Hindi ko alam kung ano ang laging tumatakbo sa isip niya. Lagi niya akong sinusurprisa ng pagmamahal...No! Hindi ko na dapat iniisip iyon dahil matagal na 'yon at hindi na mangyayari pa.

Nang makarating kami ay nauna siyang bumaba sa akin. Nakita ko rin na kinuha niya ang mga sinabi niyang binili niya. Pero bukod sa bulaklak at cake ay may dala rin siyang kandila. Dalawang piraso ito at malalaki.

"You have candles too?" takang tanong ko.

"Oo. Ilalagay ko sana sa kwarto ko pampabango. Pero since nandito na tayo ay ilalagay ko na lang sa kanila."

Tumango na lang ako kahit napansin ko rin na dalawang bouquet ng flowers ang dala niya. Napansin ang keychain kung saan nakalagay ang susi ng sasakyan, isa itong fleur de lis crochet. Hindi naman siguro 'yan ang binigay ko sa kanya noon.

This is the first time that I brought him here. Simula kasi nang maging bodyguard ko siya ay sobrang naging busy ako kaya hindi ko na nadadalaw ang kambal. But it doesn't mean na nakalimutan ko na sila, sadyang nagkataon lang talaga na nawalan ako ng time.

Nilagay ko ang bulaklak na inorder ko online. Pati na rin ang kandila at saka sinindihan. Ganoon din ang ginawa ko sa puntod ni mommy na katabi lang ng kambal. Nilagay din ni Zayn ang dala niya at sinindihan ang kandila.

Del Valle 1: Keisha Fleur's Seductive TouchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon