FOUR

605 29 12
                                    

"Nice to meet you, Miss Fleur."

"Keisha, miss Keisha or Miss Del Valle. Not Fleur."

Nakita ko ang pag-igting ng panga niya habang nakatitig sa akin. Pilit ko rin pinatatag ang sarili ko sa harapan niya dahil ayokong makahalata sina sa daddy na may namamagitan sa aming dalawa.

Ang laki nang pinagbago niya. Pero wala akong kahit anong nararamdaman para sa kanya ngayon kundi galit. Galit ako dahil sa mga ginawa niya sa akin. At ang kapal ng mukha niyang magpakita pa sa akin.

"My daughter doesn't want to call by that name." Dad interferes. "So, call her Keisha."

"Noted, sir."

"Anyway, aside from being his bodyguard, you're also her driver. And..." Dad stopped and looked at me.

"Dad," saway ko. I was giving him a warning.

"Nothing. Basta bantayan mo lang anak ko at alamin kung sinu-sino ang mga kasama niya. If you think they are threat, then don't hesitate to eliminate them."

"Noted, Mr. Del Valle."

"Oh my God, dad. Eliminate agad?"

"That's my order, and I'm counting on you, Collins. Sa lahat ng nakuha kong bodyguard ay sa'yo lang magaan ng loob ko dahil may paninindigan ka at napahanga mo ako sa mga ginagawa mo. Kaya sinabi ko na ang lahat sa'yo ang tungkol dito sa anak ko at sa mga pinaggagawa niya."

"You told him everything about me?" inis kong tanong. "You mean...all?"

"Yes, anak, dahil malaki ang tiwala ko sa kanya."

"Eh, ngayon mo pa nga lang siya nakilala, nagtiwala ka agad?"

Eh, kung sabihin ko kaya sa kanya ang tungkol sa amin? Ang lakas naman talaga ng loob na magpakita sa akin. Hindi pa talaga kung sinu-sino ang nilapitan kundi ang mismong ama ko pa talaga.

"Nasabi ko na, at uulitin ko, malaki ang tiwala ko sa kanya." Saka siya bumaling sa gagong ito. "Gusto kong bantayan mo siyang mabuti at protektahan laban sa kahit sino kagaya ng pagprotekta mo sa akin. Keisha is my youngest, my only daughter, my forever baby, kaya alagaan mo siya at wag mong hahayaang may mangyari sa kanya."

Napailing na lang ako dahil sa pagiging overprotective niya sa akin. Sa sobrang overprotective, mali tuloy ng nakuha. 'Yong dati nang nanakit sa akin.

What if sabihin ko sa kanya na ang lalaking ito sa harapan namin ay walang iba kundi ang lalaking sumira sa buhay ko? Ang lalaking iniwan kami ng mga anak niya. Ano kaya ang gagawin ng daddy ko sa kanya? Malamang, hindi na siya makakalabas ng buhay dito.

"Makakaasa kayong gagawin ko ang trabaho ko, Mr. Del Valle. Walang sinuman ang pwedeng manakit sa anak ninyo."

Ulol! Sinaktan mo na nga akong hayop ka. Pasalamat ka at ama ka pa rin ng mga anak ko kung hindi ay pinapatay na kita sa daddy ko. Ayokong sumbatan nila ako kapag nagkita kami sa langit...hindi ka kasama dahil sa impyerno ka mapupunta.

"Salamat kung ganoon."

"Walang anuman ho."

Ang kapal din ng mukha ng gago. Imposibleng hindi niya alam na ako ang anak na tinutukoy ni daddy na babantayan niya. Talagang nakuha pang pumasok dito kahit alam niya ang reputasyon ng pamilya ko. Malakas na nga ang loob humarap at wala ng takot. Sana noon niya 'yon ginawa. Hindi sana namatay ang mga anak ko.

"Nga pala, Collins." Kuya get our attention kaya sa kanya kami napatingin. "Ang trabaho mo ay bantayan ang kapatid ko, ha! Hindi para salakayin."

I smirked and hugged daddy. Para akong batang naglalambing sa ama. Hindi naman ako nagpapakampi dahil alam kong pagdating sa pagpoprotekta sa akin ay silang dalawa ang magkakampi. Well, lahat ng mga kapatid ko.

Del Valle 1: Keisha Fleur's Seductive TouchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon