I'm on my break right now. Dito ko naisipan sa canteen magpalipas ng oras. Medyo maraming tao ngayon dito dahil bukod sa break time rin ng mga nars ay marami-rami rin ang pasyente na naka-confined ngayon. Hindi rin kalakihan ang sakop ng canteen kaya limited ang tables and chairs.
Tiningnan ko isa-isa ang files ng mga pasyenteng hawak ko habang umiinom ng kape when someone approached me.
"Excuse me. May I?" A woman in her midtwenties asked if she could sit with me.
"Sure." Sabay lahad ko ng kamay para paupuin siya.
"Pasensya na, doc. Wala kasi akong mahanap na bakanteng upuan na medyo sulok at hindi nadadaanan ng mga tao. Ayoko na rin kasing bumalik muna sa ward at ang ingay ng nanay ko. Don't worry, hindi naman kita iistorbohin."
"No worries. This seat is for everyone." Napansin ko ang pagtitig niya sa akin na pinagtaka ko.
"Something wrong?"
"Ahmp, medyo familiar ka sa akin sa akin, doc." Napansin ko rin na familiar din siya sa akin, pero hindi ako sigurado kung saan ko siya nakita. "Parang nakita na kita noon, doc."
"Yeah, me too. Parang nakita na rin kita somewhere, pero hindi ko lang maalala."
"Baka dito sa ospital, doc. Sa elevator, or baka isa ka sa mga humawak sa mommy ko."
"Maybe. How long have you been here? Or, have you visited here often?"
"Almost one month pa lang kami dito, doc. Saka first time namin dito. Kagagaling lang namin sa Hawaii at dito na kami dumiretso. Oh, by the way, before I forgot... Beatrice nga pala, doc," Sabay lahad niya ng kamay.
"Keisha, Doctor Keisha Del Valle," pakilala ko.
"Hmp, baka nga isa sa mga naging doktor ng mommy ko, doc. Kasi pati pangalan mo pamilyar din."
"What's your mom's name, by the way? At baka nga isa siya rito sa mga hawak kong files."
"Eleanor Collins, doc."
Muntik ko ng mabitawan ang hawak ko nang marinig ko ang pangalang binanggit niya. Lumakas din ang kabog ng dibdib ko, pero hindi ako nagpahalata sa kanya.
That name. That fucking name was none other than Zayn's mom. Pero sana mali ako. Sana magkapangalan lang sila.
"You OK, doc?"
"Y-yeah! Ahmp, familiar, kasi ang pangalan ng mommy mo sa akin. I think I heard it somewhere."
"One of the business tycoons na matapobre noon dito sa Bulacan." Sinabayan niya ng pag-iling na may mapait na ngiti ang sinabi niya.
"You said, Collins, right?"
"Hmp..."
"May... may schoolmate kasi akong Collins dati noong high school ako. If I am not mistaken...Zayn...Zayn Ezekiel Collins yata... hindi ko masyadong matandaan ang pangalan niya. He's two years ahead of me. Sikat kasi iyon dati sa school namin. Saka minsan natulungan niya akong iligtas sa mga bully kaya medyo naalala ko," pagkukunwari ko. "By any chance, are you related to him?
"My brother."
"B-brother?"
"Yeah. My older brother."
Shoot! Yeah! Siya nga 'yong bata sa picture na pinapakita sa akin ni Zayn dati. Si Zoey Beatrice. Bata pa siya sa picture noon at mataba.
"Kilala mo pala ang kapatid ko, doc."
"Nakikita ko lang siya kasi agaw atensyon siya sa mga babae noon. Bukod kasi sa gwapo ay malakas din ang dating niya at pasaway rin minsan kaya laging napapansin ng lahat. How was he?"
"I don't know where he is right now."
"What do you mean you don't know?"
"Honestly, he left. Nagkagusto kasi siya sa anak ng isang prostitute at naging sila. Fleur... Valdez, Valler, I forgot the surname, basta alam ko Fleur kasi bulaklak. Kuya really loves her, and he even told me that she is the woman she wants to marry in the future. I was in Hawaii when he told me that his girlfriend was pregnant. For fuck's sake, I don't even know what that means, kasi, I was too young back then. Basta ang alam ko lang, I'm going to be a tita. But suddenly, Kuya contacted me again and said that he needed money to support his girlfriend's needs. He asked my permission if he could sell some of my things. Since I don't need it, naman... I said yes. Ilang buwan din ang lumipas when he asked for my help again and said he needs more money. Since I have my allowance, I sent him with the help of my nanny."
"Bakit? ' Di ba, mayaman naman ang mommy niyo? I mean, sabi mo nga business tycoon. Bakit sa'yo siya nanghihingi?"
"Mayaman na matapobre. Nalaman ko na, she hates Kuya's girlfriend. Pinaghiwalay niya pala sila. Kuya left her hindi dahil sa hindi niya mahal si Fleur. He agreed, kasi alam niyang mas mapapabuti si Fleur kapag nagkahiwalay sila. Kaya palihim na lang niyang sinusuportahan si Fleur."
"Sinusuportahan?"
"Yup. Nalaman kong pinag-aral niya si Fleur at binibigyan ng allowance, at malaki ang binibigay niya para na rin masuportahan ang pagbubuntis niya hanggang sa manganak siya ng kambal na babae. Pinadaan niya ang allowance sa eskwelahan hanggang sa makatapos si Fleur sa pag-aaral niya ng high school. Kaso, nahuli siya ni mommy dahil unti-unting naubos ang mga gamit ko, kaya binabantayan siya. Tapos nalaman ni mommy na kay Fleur pala binibigay ni kuya ang pera kaya pinakulong siya. Tapos ang alam ko naulit iyon, kaso hindi ko na alam ang buong detalye dahil tinakwil na siya ni mommy. Kaya wala na kaming naging balita sa kanya hanggang ngayon."
"Pinakulong siya ng mommy niyo?"
"Yeah. Actually, dalawang beses. Nang una ay pinatawad siya ni mommy dahil humingi siya ng sorry. Pero nang sumunod ay hindi na at iyon na iyong time na tinakwil siya. Si kuya naman kasi...pwede naman kasing sundin na lang muna niya si mommy hanggang sa kaya na niyang tumayo sa sarili niya. Ayon tuloy, nagkahiwalay na nga sila, pati mga anak nila nadamay pa. Tapos ganoon din naman ang nangyari kay Fleur."
"Bakit, ano ba'ng nangyari kay Fleur?" takang tanong ko.
"She's dead," malungkot niyang sabi.
"What?"
"Patay na siya. Ang sabi ni mommy namatay daw siya nang papunta siya sa ospital para dalawin ang mga anak niyang nagkasakit. Nasagasaan daw. Hindi ko rin alam kung alam ba ni kuya ang nangyari sa kanya, kasi pinapalitan ni mommy ang number namin sa Hawaii, kaya hindi na niya ako nakontak. By the way, do you know her? Schoolmate kayo ni kuya at napapansin mo siya 'di ba? Nakita mo ba kung anong hitsura ni Fleur? Kilala mo ba siya?"
"No. I mean, baka sa apelyido pero sa pangalan hindi. Pero hindi ka rin naman sigurado sa apelyido, kaya hindi ko rin matukoy."
"Ah!"
"P-pero... pero sigurado ba kayo na namatay si Fleur? I mean, 'yong Fleur na girlfriend ng kuya mo? Baka kasi kapangalan lang niya."
"Sabi ni mommy nang dalhin..."
"Ma'am, kanina pa po kayo hinahanap ng mommy niyo."
Napatingin kami sa isang babaeng nakauniporme ng pang katulong.
"Ow! Sorry, nakalimutan ko ang oras. Ang daldal ko kasi." Tumayo siya sa harap ko. "Nice meeting you, doc. Grateful ako dahil kahit paano ay may nakilala akong nakakakilala sa kuya ko. I miss him so much, na kasi, eh."
"Pinagtanong mo ba kung nasaan siya?"
"I tried to find him, pero hindi ko siya mahanap. I asked mom kung saan siya nakulong dati, pero wala akong nakuhang sagot sa kanya. She hates kuya dahil hindi niya matanggap na pinagpalit siya dahil lang sa isang babae. I'm hoping na lang na sana ay ligtas siya at nakakain ng maayos at makita ko siya isang araw. See you around, doc."
Ngumiti at tumango lang ako sa kanya.
Kapatid niya si Zayn, at hinahanap niya ni Zayn. Pwede kong sabihin sa kanya kung nasaan ang kapatid niya pero...pero malalaman niyang ako si Fleur.
Isa sa nakadagdag sa isipin ko ay ang sinabi niyang patay na ako? How? I mean, bakit sinabi ng mommy nila na patay na ako? Ano'ng dahilan niya para ipalabas na patay na ako?
Pinag-aral ako ni Zayn? Si Zayn ang nagpaaral sa akin noon? Ano pa? Ano pa ang mga sekretong dapat kong matuklasan?
BINABASA MO ANG
Del Valle 1: Keisha Fleur's Seductive Touched
General FictionKiesha Fleur Del Valle... a doctor, yet she can't cure herself. She was a prisoner of her dark past, a past that almost destroyed her. Sinaktan siya ng lalaking pinakamamahal niya-ang nangakong siya lang ang iibigin, si Zayn Ezekiel Collins. Ibinila...