EIGHTEEN

304 20 5
                                    

"Zeke, can we talk for a moment?" tanong ko nang makarating kami sa condo.

"Tungkol saan?"

Nilahad ko muna ang kamay ko para paupuin siya sa tapat ko na sinunod naman niya.

Kakarating lang namin galing sa mansion ni Daddy. Buong byahe ay wala kaming naging kibuan na dalawa. Nagkunwari na lang akong tulog para hindi niya ako istorbohin at kausapin.

"Is there any problem, Kei?"

"May gusto lang sana akong itanong sa'yo."

"About what?"

"Kilala mo naman si kuya Elm, 'di ba?"

"'Yong kapatid mong pulis?"

"Yeah."

"Ano'ng meron sa kanya?"

"Sa mga kapatid kong lalaki ay siya ang against sa gawain ng pamilya namin. Lahat kami ay hinahanapan niya ng butas para makakuha ng mali sa amin. Kaya lahat din ng nasa paligid namin ay pinag-iinitan niya, para mawalan kami ng pinagkakatiwalaan."

"Pwede bang diretsahin mo 'ko."

"Pinag-iinitan ka niya." Sumingkit ang mata niya na parang nagtatanong kaya sinegundahan ko na, "gusto ka niyang paimbestigahan."

"Pinaimbestigahan na ako ng daddy mo. Alam na niya ang nangyari sa akin."

"Alam ko dahil sinabi niyang namatay na ang mga magulang mo. Pero gusto kong malaman ang totoo. Totoo bang patay na pati ang ina mo?" Pero imbes na sumagot ay nag-iwas siya ng tingin. "Zeke, alam natin pareho ang nakaraan mo. Ang pagkatao mo. Wala na akong pakialam sa'yo at sa mga nangyari sa'yo. At alam kong si daddy ay kontento na rin sa mga nalaman niya. Now tell me, patay na ba talaga ang mommy mo kaya napunta sa palengke?"

But again, hindi siya sumagot. "Zeke, please answer me."

"Hindi."

"What?"

"Buhay siya at nasa Hawaii. Pero para sa akin ay matagal na siyang patay. That day you left our house; I already considered her dead."

"You lied to us?"

"Yes."

"My God, paano mo nailusot sa daddy ko ang record mo? Paano mo nagawan ng paraan?"

"I hired someone. Nakilala ko ang imbestigador na kinuha niya, kaya kinaibigan ko para hindi na maungkat ang nakaraan ko, lalo na ang tungkol sa atin."

"Bakit? Bakit mo ginawa 'yon?" Pero hindi na naman siya sumagot sa akin. "Tell me the truth, Zeke. Nagkataon lang ba talaga ang lahat o..."

"Importante pa ba?" putol niya sa sasabihin ko.

"Yes, dahil gusto kong malaman ang totoo. Sabihin mo sa akin ang totoo. Binalak mo ba na makapasok sa buhay ng daddy ko?"

"Hindi...nang una, hindi."

"Noong una? Ibig sabihin..."

"Matagal na ako sa pier at matagal ko na nakikita ang daddy mo. Alam ko rin kung ano ang mga kinakarga nilang shipment dahil isa ako sa mga napipiling magkarga. Pero tahimik lang kami basta sakto ang bayad sa amin. Nang malaman kong isa siyang Del Valle ay naisip agad kita, pero naisip kong baka magkaapelyido lang. Hanggang sa makita kita roon na kasama siya."

"Nakita mo ako?"

"Oo. At napansin kong ang laki na ng pinagbago mo. Natuwa ako sa nangyari sa buhay mo. Gusto kitang lapitan at kausapin pero natakot ako. Kaya doon na ako nagsimulang gumawa ng paraan para mapansin niya."

Del Valle 1: Keisha Fleur's Seductive TouchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon