SEVEN

524 26 5
                                    

Ang daming pasyente at super busy ako. Pero nasisingit ko pa rin ang mga dapat kong gawin. Bukod sa ospital, ay abala rin ako sa underground business ni daddy na soon ay ako na ang hahawak dahil wala sa kahit sino sa mga kapatid kong lalaki ang may gustong humawak.

Hindi rin ako nagkukulang sa sex life. Halos gabi-gabi pa nga ngayon kung magdala ako ng lalaki dahil gusto kong inisin si Zayn, at ipakita sa kanya na kaya kong kumuha ng kahit isang milyong lalaki kapalit niya.

Katatapos lang ng huli kong pasyente. Palabas na ako ng ospital nang salubungin ako ni Zayn at kinuha sa kamay ko ang bag na dala ko. Casual lang ang trato namin sa isa't isa at hindi na namin pa napag-uusapan ang tungkol sa amin.

Isa pa, wala na rin akong balak na makipag-usap pa sa kanya tungkol sa nakaraan namin. Dahil wala na rin akong balak alamin kung anong nangyari sa kanya at bakit siya nauwi sa ganito. Though, naku-curious ako paano siya naging bodyguard /driver, eh, mayaman naman siya. At saan siya nadampot ni daddy at bakit ganoon na lang tiwala ng ama ko sa kanya?

"Saan tayo?" tanong niya at nagsimula nang magmaneho.

Oh, di ba, bastos? Wala na ngang pangalan, wala pang ho o po. Iba rin 'tong hayop na 'to.

"Sa hideout ni kuya Spurge."

Wala na akong narinig na kahit ano mula sa kanya. Patuloy lang siya sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa hideout ni kuya.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan. At mula dito sa pwesto namin ay malakas na sigaw na agad ni kuya Spurge ang narinig ko. Nagkatinginan pa kaming dalawa pero sabay din na nag-iwas. Ang sigaw kasi ni kuya ay sigaw na may kasamang galit.

"What happened?" tanong ko nang makapasok kami sa malaking bodega kung saan nakatambak ang mga transaksyon niya. Nandito rin pala si Liezl, na nagkibit-balikat lang sa akin. Dumaan ito sa harap ko at mukhang paalis na.

"Ano'ng meron?" bulong ko.

"As usual, dahil sa kapatid mong epal. And brace yourself, too," sagot niya. "Bye, Spurge!" paalam niya kay kuya pero hindi siya pinansin.

"Ano'ng nangyari, kuya? Bakit dinig ko hanggang labas ang sigaw mo? Saka, ano 'yong sinabi ni Liezl na dahil sa kapatid kong epal?"

"Alam mo, Keisha, kung hindi lang masamang pumatay ng kapatid, ako na mismo papatay diyan kay kuya Elm."

Oh well, si kuya Elm lang naman pala ang epal sa mga kuya ko.

"Ano'ng ginawa ni kuya Elm?"

"Fuck him! Pinaharang niya ang van na papuntang Zambales at Pampanga."

"What?!" Kahit ako ay nagulat din at mukhang hindi ko gusto ang sinabi niya. Lalo na sa pagbanggit niya ng rota. "Hindi niya pwedeng gawin 'yon. And don't tell me..."

"Ginawa na niya, putangina niya," gigil niyang sabi. "At oo, 'yong mga gamot mo ang nabagansya."

"No! Fuck! Hindi pwede."

"Nangyari na. Nasa kanya na."

Kinuha ko mula sa kamay ni Zayn ang bag na pinaglagyan ng cellphone ko. Tatawagan ko si kuya si Elm para alamin kung bakit niya iyon ginawa.

Ang mga kontrabando ay mga gamot. Yes, illegal ito dahil hindi BFAD approve at walang permit. Pero manufacturing ko ito at ako mismo ang gumawa. Ako ang nag-imbento at sigurado akong hindi ito makakasama.

Bakuna ito para sa mga batang Aeta para hindi agad-agad tatamaan ng malaria na ngayon ay kumakalat na sa lugar nila. Alam kong mali dahil wala itong permit pero hindi naman kami ang makikinabang dito kundi ang mga kapos-palad.

Del Valle 1: Keisha Fleur's Seductive TouchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon