"How's everything, Zeke?" dad asked Zayn.
"Everything was good, Mr. Del Valle."
"How about the men's issues?" segunda ni daddy.
"Wala na hong nakakapunta sa condo niya, at hindi na rin siya nakakalabas ng hindi ako kasama. All cleared, sir."
I rolled my eyes at humigop ng kape habang nakikinig sa kanila. Kung pag-usapan nila ako akala mo wala ako sa tabi nila.
Nandito kami sa mansion ni daddy kasama ang mga kapatid ko maliban kay kuya Elm. Na sana huwag na magpakita dahil nababanas pa rin ako sa kanya.
"Baka kaya hindi na nakakakuha ng lalaki dahil tinatalo mo na." Kuya Spurge said, at masamang tumingin kay Zayn. "Ako yayari sa'yo."
"Kuya Spurge, iyang bibig mo," saway ko.
"Nagtatanong lang si Spurge," segunda ni kuya Hemlock at tumingin din kay Zayn. "Uso ngayon ang bantay-salakay."
"Come on, walang ganoon!" depensa ko. "Sa tingin niyo ba papatulan ko 'yan? Eh, mainit nga dugo ko riyan simula't sapul."
"You can join us here, Zeke." Alok ni kuya Sage dahil nakatayo kasi si Zayn sa tabi ni daddy. "Don't mind my brothers. We're just protecting our baby."
"Pfft!" I rolled my eyes. "Eh, di, wow."
"No, thanks, sir. This is a family gathering. Sa labas na lang ho ako para hintayin si Miss Keisha."
"If you need something, just call the maid," Tita Leona said.
Tumango lang si Zayn at hindi na rin nagsalita ang mga kapatid ko.
"I like him," dugtong ni tita Leona nang makaalis siya, kaya sabay-sabay kaming napatingin sa kanya.
"What did you say, mom?" kunot noong tanong ni kuya Sage.
"I said, I like Zeke."
"You like him? Why? Don't tell me..."
"Come on, Spurge!" sigaw ni tita. "Ikaw 'yang utak mo masyadong marumi. Sa edad kong 'to sa tingin mo maghahanap pa ako ng ibang lalaki? Eh, sa daddy mo pa nga lang ay umaayaw na ako. What I mean is like him to be with my unica hija's partner."
"What?!" pati ako ay nakisigaw na rin kasabay sa tatlo kong kapatid.
"Hindi pwede, Mom, and for sure, if Kuya Elm is here, he will disagree too," may inis na sabi ni Kuya Spurge.
"Eh, anong gusto niyo? Tumandang dalaga itong unica hija ko? Saka bagay naman sila, ah. Maganda itong unica hija ko, gwapo si Zeke. Malakas ang chemistry nila pareho. Parang silang royalty couple."
"No!"
"Nah!"
"Never!"
"No way!"
Sabay-sabay naming pagkontra sa sinabi ni tita.
"Eh, ano nga ang gusto niyo? Tumandang dalaga itong kapatid niyo?" Wala ring sumagot sa tanong ni tita? "May iba ba kayong napupusuan para dito sa kapatid niyo?"
"Tita, huwag na natin i-topic ang love life ko, OK? Nandito ako kasi pag-uusapan natin ang business underground. Lalo na doon sa mga gamot na kinumpiska ni kuya Elm. Hindi ang lalaki para sa akin dahil nandidiri ako."
"I agree. Hindi pa pwedeng magka-love-life ang kapatid ko," Kuya Spurge said.
"OK, bahala kayo sa mga buhay niyo. At dahil hindi ako kasali sa usapang underground na 'yan ay aalis na ako. Ayoko 'yang mga underground at illegal na 'yan. I am still against that. Kaya..." saka siya tumayo. "Bahala kayo sa mga buhay niyong mag-usap. Basta ako, I like that Zayn Ezekiel Collins will be my soon-to-be son-in-law. OMG. I am so kinikilig for them," she chuckles before leaving.
BINABASA MO ANG
Del Valle 1: Keisha Fleur's Seductive Touched
Genel KurguKiesha Fleur Del Valle... a doctor, yet she can't cure herself. She was a prisoner of her dark past, a past that almost destroyed her. Sinaktan siya ng lalaking pinakamamahal niya-ang nangakong siya lang ang iibigin, si Zayn Ezekiel Collins. Ibinila...