NINETEEN

267 22 5
                                    

I sighed nang makita ang test results ng kambal. Masyado nang malala ang sakit ni Amelia, habang si Amara naman kahit paano ay maayos pa rin.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kambal ang mga ito. I know that Amelia will understand, but Amara...for sure, magagalit na naman ang batang iyon.

Dala ang test result ay tinungo ko ang kwarto ng kambal kung saan sila naka-confined. Papasok na sana ako sa ward nila nang biglang bumukas ang pinto ng katapat na ward ng kamabal. Lumabas mula roon ang isang dalagita. Napangiti naman ako nang agad ko siyang namukhaan, dahil siya 'yong batang nakatapon sa akin ng kape.

"Hi!" bati ko sa kanya.

Instead of greeting me back ay hindi siya sumagot sa akin. Nanlaki ang mata niya na parang nagulat nang makita ako. Hindi agad siya nakakilos habang nakatitig sa akin.

"Miss? Are you ok?" Lalapit sana ako sa kanya nang bigla siyang umatras, pagkatapos ay tumakbo paalis. "Miss..." Hindi ko na natapos ang pagtawag ko dahil nakaliko na siya.

"What's wrong with her?"

Muling bumukas ang pintuan at lumabas ang isang babaeng naka-uniporme ng nars. Tumingin siya sa paligid na parang may hinahanap. Nang mapadako ang tingin niya sa akin ay agad siyang ngumiti at muling luminga-linga.

"Nasaan na 'yon? Ang bilis naman mawala ng batang 'yon?" bulong niya at bumalik sa loob.

Hindi ko na inintindi ang mga nangyari. Inisip ko na lang na baka natakot sa akin ang batang iyon nang makita ako dahil may atraso pa siya sa akin.

I knocked at the twins ward. Pero hindi na ako naghintay na may bubukas at nagkusa na akong pumasok.

"Hi!"

"Hi doc!" Masiglang bati sa akin ng kambal.

"How are you guys?" tanong ko sa kanilang dalawa. As usual, wala na naman silang bantay na kahit isang kamag-anak.

"OK naman po kami, doc," Amelia answered at saka ko lang napansin ang pamumutla niya. Hindi ko tuloy maiwasan hindi mag-alala sa kanya. Dahil sa kanilang dalawa, siya ang mahinang-mahina.

Umupo ako sa tapat ni Amelia. Naka-dextrose siya at may oxygen din. Si Amara naman ay walang kahit isang aparato.

"Doc, are we OK?"

Napatingin ako kay Amara dahil sa tanong niya. She looks OK at alam kong ang tanong na iyon ay hindi para sa kanya kundi para sa kapatid niya.

"Amara, I won't lie to you. Kaya ako nandito dahil may lilinawin ako sa inyo."

"Let's get us straight to the point po, doc. Are we dying?"

Hindi ko masagot si Amara. Binaling ko na lang ang tingin ko sa kapatid niya at saka binalik sa kanya ang tingin ko.

I don't know how to start. Ito ang isa sa pinakamahirap na trabaho ng isang doctor lalo ka kapag attached ka na sa pasyente mo. Hindi lang basta attached kundi tinuring mo na rin silang pamilya. Lalo na ang dalawang batang ito na nagpapa-alala sa akin sa mga anak ko.

"Doc, please tell us the truth," mahinang sabi ni Amelia.

Lumunok muna ako at hinarap sila. "Amara, according to your test, everything on you was fine. Your blood test was perfectly OK. Konti na lang at masasabi na naming Leukemia survivor ka na. Your organs are all good too." Nakangiti kong sabi.

"Wow, congrats, Amara." Nakangiting bati ni Amelia sa kanya.

"And my sister?" tanong ni Amara na hindi ko makitaan ng saya ang mukha. Unlike Amelia na kahit nanghihina ay masaya siyang malaman na OK ang kapatid. "Ganoon din ba siya?"

Del Valle 1: Keisha Fleur's Seductive TouchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon