THIRTY-ONE

392 23 23
                                    

"What are you doing here?"

"Nothing. Sorry, I made a mistake by coming here. I just want to make sure you're OK after what happened. And I think you're fine. I need to go."

"Wait!"

Napahinto ako nang hawakan niya ang braso ko. The door opened again, and his wife entered...fucking hell.

I thought bibitawan ni Zayn ang braso ko nang pumasok ang asawa niyang may dalang plastic bag. Pero nanatili lang siyang nakatayo at walang pakialam sa presensya ng asawa.

"Kiel, bumili na ako ng kape. Saka nag-init na rin ako ng tubig. 'Yong mga damit mo pala nilagay ko na rin sa karton. 'Yong ulam mo nasa basket na rin."

"Thanks, love."

Love? Putangina niya. Nakahawak siya sa braso ko tapos tatawag siya ng love sa ibang babae? Ang kapal ng mukha niya, at hindi na siya nahiya sa asawa niya.

Tumingin sa akin ang babae mula ulo hanggang paa saka ngumiti. "Angas niyang sisiw mo, ah! Panalo! Perstaym yatang may bisita kang sisiw dito." But Zayn did not answer. "Kaya pala naligo ang gago may bisita pala, at mukhang may labanan pa yatang mangyayari. Oh siya, aalis na ako at naghihintay na rin sa akin si bebelabs ko at may labanan din kaming dalawa."

"Ingat."

When the woman left ay tinanggal ko ang kamay ni Zayn at masama siyang tinitingnan. "Ang lakas ng loob mong hawakan ako sa harap ng babae mo."

"What?"

"Iyong babaeng iyon na asawa mo."

But he smirked at binigyan ako ng nakakalokong ngiti. "She's not my woman nor my wife."

"Anong not your woman? Love na nga tawag mo itatanggi mo pa."

"Because her name is Lovely. Alangan naman tawagin ko siyang Keisha or Fleur?" Natahimik ako sa sinabi niya. "And for fuck's sake, wala kaming relasyon. She's a lesbian, pero hindi nagpapagupit. She has a girlfriend, at kaya niya ako inaasikaso dahil ginagamit nila itong bahay ko kapag wala ako. Tinutukso lang siya ng mga tao rito na asawa ko at baka sakaling maging babae, pero mas babaero pa sa akin 'yon. Saka hindi mo narinig, aalis kasi pupuntahan ang bebelabs niya."

I don't know what happened to me, pero para akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya.

"What are you doing here? Bakit ka pala nandito?"

"Pwedeng magbihis ka muna?"

Yumuko muna siya para tingnan ang sarili. Binigyan niya muna ako ng nakakalokong ngiti bago naglakad papunta sa higaan kung saan nakalagay ang karton na pinaglagyan ng gamit niya.

May kinuha siya roon at pagkatapos nagbihis ng pang-itaas. At ang gago, tinanggal ang tuwalyang nakabalot sa kanya kaya lumantad sa harap ko ang puwet niya. Mabilis akong nag-iwas ng tingin para hindi ko ito makita kahit nakita ko na rin naman talaga.

"Now tell me. What are you doing here?"

Pagharap ko ay nakasuot na siya ng jersey short. Naglakad din siya papunta sa lamesa na may mga nakapatong na kung anu-ano. Nakita ko siyang nagtimpla ng kape at kumuha ng tubig mula sa thermos na halatang pinaglumaan na. Bigla tuloy kumalam ang tiyan ko nang makita ko siyang uminom ng kape. Ngayon ko lang naisip na hindi pa pala ako kumakain.

"I'm waiting, Keisha."

"Sila kuya Sage ba may gawa niyan sa'yo?" tanong ko. Referring to his bruises.

"Small thing. And I think I deserved this. Sayang nga at nangialam pa ang kapatid mong pulis. Sana ay tahimik na ang buhay ko ngayon kung hindi siya dumating sa maling oras."

Del Valle 1: Keisha Fleur's Seductive TouchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon