ELEVEN

455 23 4
                                    

"Where have you been?"

Kakapasok lang ni Zayn ng condo at may bitbit na plastic bag. Ilang linggo na rin mula nang maging fubu ko siya. At tinupad ko ang pinangako ko sa kanya na pakikisamahan ko siya ng maayos. Hindi naman ganoon ka-close pero hindi na rin kami nagbabangayan. Hindi naman ako lugi dahil tiba-tiba ako sa kama kaya buhay na buhay ako ngayon.

"Gising ka na pala? Pasensya ka na kung lumabas ako nang hindi nakapagpaalam. Na-secure ko naman ang paligid bago ako lumabas."

Nilapag niya ang dalang plastic sa lamesa sa tapat ko. Tumungo na rin siya sa kusina at kumuha ng baso.

"Alam ko naman na walang mangyayaring masama sa akin dito kahit wala ka. Nagulat lang ako dahil paglabas ko ng kwarto ay walang tao dito sa sala."

Katatapos lang namin mag make...love? No, we called it sex dahil wala ng bahid ng pagmamahal ang ginawa naming iyon. Lust...its lust and not love.

"Hindi ako makatulog, eh. Gusto kong uminom," sagot niya.

"May alak naman dito. Bakit ka pa bumili?" Umupo siya sa tapat ko at binuksan ang dalang alak.

"Hindi ako nakapagpaalam sa'yo."

"Wow! Parang bagong lipat, ah! Sinabi ko na sa'yo na lahat ng meron dito ay pwede mong gamitin. Kung ako nga nagagamit mo 'yong mga gamit, inumin at pagkain pa kaya dito ang hindi."

But, he smirked at nagsalin.

The alcohol he bought is not familiar. Parang maliit na bote at bilog. Looks like a white whiskey but not. Dahil dalawa ang dala niyang baso ay nagtagay din siya at inabutan ako.

"Anong klaseng alak 'to?"

"Gin. Ngayon ka lang ba nakakita nito?"

"Obviously. Itatanong ko ba kung alam ko?"

"Alak 'yan ng mga tambay. Affordable at malakas ang tama. They called it sunog-baga."

Hindi naman kasi ako mahilig sa alak noon kaya hindi ito familiar sa akin. Nang matuto akong uminom ay puro mamahalin na ang alam ko.

"Paano ka natutong uminom nito?" tanong ko habang sinisipat ang laman sa baso.

"Inumin mo na lang. Ang dami mong tanong."

Looked harmless naman. Mukha ngang tubig lang. Parang mas nakakatakot pa tingnan ang white wine kahit pareho lang silang mukhang tubig. Pero ito...kahit yata isang buong bote kaya kong inumin.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad uminom. "Fuck!" Napamura na lang ako nang mainom ang gin at kulang na lang ibuga sa mukha niya. Mas matapang pa yata 'to sa mga kriminal na halang ang kaluluwa. Pakiramdam ko hiniwa ng blade ang lalamunan ko at any time susuka ako ng dugo.

"Damn!"

Mas lalong nag-init ang mukha ko nang tuluyan ko itong malunok. One shot lang binigay sa akin ni Zayn pero pakiramdam ko nasunog na agad ang laman-loob ko.

Looks can deceiving talaga. Even poison can looks like a water that can kill you. At ang masaklap wala pala siyang nilagay na tubig, juice o kahit anong pantanggal ng lasa sa bibig ko o kahit pulutan. Pakiramdam ko parang niluluto ang laman-loob ko.

At mukhang alam niyang naghahanap ako nang pantanggal anghang o pait, ewan...dahil tumayo siya sa at tumungo sa kusina. Pagbalik ay may dala na siyang softdrink.

"You ok?"

Hindi muna ako sumagot at sunod-sunod kong nilunok ang soft drink. Nang medyo mawala na ang init sa katawan ko ay sinamaan ko siya ng tingin. "Anong ok? Eh, literal na alcohol yata 'tong pinainom mo sa akin. Parang mas matapang pa sa 70% isopropyl alcohol. God!"

Del Valle 1: Keisha Fleur's Seductive TouchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon