KEISHA FLEUR DEL VALLE
"'Yan! 'Yan ang sinasabi ko sa'yo. Dahil diyan sa katigasan ng ulo mo, ganyan ang sinapit mo!"
Isang malakas na hampas ang tumama sa ulo ko gamit ang bag ni mommy. Pilit kong hinawakan ang tiyan ko dahil baka matamaan si baby. Galit na galit kasi si mommy at baka mamaya saktan niya ako. Ganoon pa naman siya kapag nagagalit.
"Ang landi-landi mo! Putangina ka! Mas malandi ka pa sa akin. Ako dise otso nang maging puta, pero ikaw, kinse pa lang nagpabuntis ka na! Animal ka!"
"Mommy, sorry po. Akala ko po kasi mahal niya ako at pananagutan." Humahagulgol kong hingi ng patawad sa kanya.
"Boba! Walang magmamahal sa'yo kundi ako! Ako lang ang magmamahal sayo, at nagmamalasakit sa'yo dahil ako ang ina mo! Hindi ka kayang mahalin ng ibang tao kung wala kang pakinabang sa kanila. Hindi ka na natuto sa mga pinagdaanan ko, bobita ka!"
"Kung mahal niyo po ako bakit lagi niyo po akong sinasaktan? Bakit po ang dami kong pasa at sugat sa katawan dahil lagi niyo po akong binubugbog? Kaya nga po ako lumayas, 'di ba, at sumama kay Zayn kasi mas inaalagaan niya ako kaysa sa inyo. Hindi ko naman po alam na gagawin niya ito. At ngayon na umuwi ako sa inyo dahil sa kalagayan ko, gusto niyo pa yata akong patayin sa bugbog. Mommy, wala na po akong ibang malalapitan. Kung mahal niyo po ako, 'wag niyo po akong saktan ng ganito."
Hindi natuloy ni mommy ang paghampas sana nang upuan na plastic sa akin. Nakabitin ito sa ere na agad niyang binaba.
"Hindi naman po ganoon ang nagmamahal, mommy. Hindi po nanakit. Ang nagmamahal ay pagpapasaya po ang binibigay hindi pasakit."
"Dahil matigas ang ulo mo." May gigil niyang sabi pero mahinahon na. "Dahil lagi kang sumusuway sa akin. Ang gusto ko mapabuti ka kasama ako pero wala ka ng ibang ginawa...kundi lumayas para hanapin ang walang kwenta mong ama na iniwan tayo."
"Hindi niya po tayo iniwan. Ikaw po ang umalis at sinama niyo po ako."
"Dahil may pamilya siya tanga ka ba? May totoo siyang pamilya, Fleur, at hindi tayo 'yon. May asawa siya, at mga anak. Gusto mo ba'ng maging home-wrecker tayo? Anong gusto mo...habang-buhay akong maging kabit ng tatay mo? Punyetang 'yon na ginawa akong parausan at gusto pa yata akong maging paanakan. Hindi na nakontento na binigyan ko ng anak na babae. Mahal kita, Fleur, dahil anak kita. Gusto ko lang makontento ka sa akin na ina mo."
"Kahit kailan hindi ko naramdaman ang pagmamahal na sinasabi niyo. Ang nararamdaman ko lang mula sa inyo ay ang pananakit niyo sa akin. Ang gusto ko lang naman magkaroon ng ama."
"Kahit kailan ay hindi mo talaga mararamdaman ang pagmamahal ko hangga't hindi mo maiisisilang 'yang anak mo, Fleur. Hangga't hindi ka nagiging masama at makasalanan para sa kanya. Hangga't hindi mo nagagawa ang mga ginagawa ko para sa'yo. Oo, masama akong ina dahil lagi kitang nasasaktan, na kulang na lang patayin kita. Pero nagagawa ko lang 'yon kapag sinusuway mo ako. Dahil gusto kong matuto kang sumukong hanapin ang ama mo. Dahil gusto kong makontento ka sa akin. Dahil ako na ang kasama mo."
"Kapag mahinahon ako at naging mabait, inaabuso mo ako at nilalayasan para hanapin ang ama mo. Kapag naman naging marahas ako, nilalayasan mo pa rin ako. Hindi ko alam kung saan ako lulugar sa'yo. Kahit kailan hindi mo ako sinusunod. Hindi mo talaga ako naiintindihan dahil pilit mong hinahanap ang kulang sa buhay mo. Dahil pilit mo akong hinahanapan ng mali, Fleur."
"Kahit kailan hindi kita ginutom, hindi ako nagkulang sa pagbibigay ng mga pangangailangan mo. Hindi ako nagkulang sa luho mo. Lahat binigay ko kahit naging puta ako para lang sa'yo. Dahil gusto ko makontento ka sa akin. Dahil gusto ko maging sapat ako para sa'yo pero putangina...wala ka ng ibang ginawa kundi hanapin ang ama mong matagal nang umuwi sa pamilya niya. Kaya nating mabuhay nang tayo lang, Fleur, pero pilit mong hinahanap ang manggamit mong ama," mahabang litanya ni mommy.
BINABASA MO ANG
Del Valle 1: Keisha Fleur's Seductive Touched
Ficción GeneralKiesha Fleur Del Valle... a doctor, yet she can't cure herself. She was a prisoner of her dark past, a past that almost destroyed her. Sinaktan siya ng lalaking pinakamamahal niya-ang nangakong siya lang ang iibigin, si Zayn Ezekiel Collins. Ibinila...