Lae"Feeling ko ikaw naman talaga yung 'L' na tinutukoy doon ni Aidan Lexius, Lae!"
"True! At saka ano pa bang ikinaka-stress mo bakla e' parang negats namang matitipuhan ni Aidan iyong si Lia Samantha noh!"
"Agree! Well, I admit na maganda siya pero girl, feeling ko hindi iyon yung tipo ng bebe mo lalo pa't para lang naman 'yon robot na sunud-sunuran sa iba nating kaklase at saka jusko kapag wala naman siyang nilalagay na make up e' ang putla-putla niya!"
"Korek ka d'yan ate! 'Tsaka 'di ba nga nagpahula pa tayo no'n sa Quaipo, tapos yung sabi ng manghuhula e' yung lalaking magiging para sayo, e' matalino atsaka gwapo!"
"Legit! Kaya huwag ka ng magworry pa, Lae Euwenn Alcantara! Sigurado namang kayo ang ending no'n ni Aidan at hindi yung babaeng maputla na 'yon noh!"
Nagpakawala lamang ako ng malalim na buntong hininga sa kawalan.
Haaaay. Masyadong nakakatuwa naman at talagang suportado ako nitong dalawa kong kaibigan sa kalandian ko.
Talaga nga namang kapag BFF mo e' kahit nado-down ka na, gagawa at gagawa sila ng paraan para guminhawa ang iyong pakiramdam.
"Okay ka na ba?" halos sabay nilang tanong sa akin dahilan para mapakurap-kurap ako sa kanilang dalawa.
Tumango muna ako sa kanila bago ako sumagot, "Oo naman. Okay lang ako."
Pagkasabi ko nito ay medyo nagulat ako nang bigla na lamang silang nagpalakpakang dalawa hudyat para pagtinginan kami ngayon sa canteen ng aming eskwelahan.
Oh Diyos ko! Ano ho bang trip nitong mga kaibigan kong kulang sa buwan? Bakit sila gan'to? Nakakaloka.
"Mabuti naman na ayos ka na, girl!" ngiting-ngiti na pahayag ni Pamela sa akin matapos siya sa ginagawa niyang pagpapalakpak.
"Truthfully! Very good at okay na yang heart mo, sis!" pagsang-ayon naman ng isa ko pang kaibigan na si Rhea na kung saan ay busy na ulit ito ngayon sa pagkukulay ng kanyang sketchpad.
Napatirik na lang bigla ang mga mata ko dahil sa mga sinabi nila.
"Alam niyo kayong dalawa talaga, ang OA OA ninyo! Nagkwento lang naman ako doon sa nangyari kanina tapos ngayon e' kung anu-ano na ang pinagsasabi ninyo?!" hindi ko napigilang saad sa kanilang dalawa dahil masyadong nagooverreacting na ang mga baliw.
Nakita kong napakrus ng mga braso si Pamela, "Lah! kami pa talaga ang OA teh? Ikaw kaya yung biglang nagmukmok d'yan tapos nag-ooverthink na baka si Lai yung tinutukoy ni Aidan sa sinagutan niya sa slam note ni Marvigel!" anito sa akin at gumanti pa ito ng pagtirik ng mga mata sa aking harapan.
Nang mapadako naman ang tingin ko kay Rhea ay hindi nga ako nagkamali dahil ginaya niya ang pagkrus ng mga braso ni Pamela at umirap din ito sa akin.
"Concern citizen lang kami sayo teh! Ayaw ka naming mabuwang kaya nagchikahan kami ni Pamela na ang sasabihin lang namin dapat sayo e' mga motivational lines at word of wisdom!" dugtong pa ni Rhea at talagang pinangaralan pa ako nito.
"Fine." tanging nasabi ko na lamang. "Thank you girls." dagdag ko pa sa aking sasabihin.
"You're welcome!" halos sabay na naman nilang sabi at wala na akong naging reaksyon pa kundi mapailing-iling na lamang at bahagyang mapangiti sa kanilang dalawa.
DAHIL sa medyo mahaba-haba pa ang oras namin ay naisipan muna naming tumambay sa may library ng school.
Nagsawa na kasi kaming tatlo sa chismisan kaya mas pinili na lang muna naming tumambay dito sa silid-aklatan. Bonus pa dahil isa lang naman ang library sa mga room na may aircon kaya para makaramdam ng lamig ay maigi ngang dito muna kami magpalipas ng oras.
BINABASA MO ANG
My Classmate has a Secret [BxB]
General FictionLae Euwenn Alcantara is deeply intrigued by the word 'secret' mentioned by his crush Aidan Lexius Buenavista on the day they had some alone time. Due to curiosity, he'll try to identify the name mentioned in the slam note filled out by the person he...