Chapter 11

256 25 5
                                    


Lae

FLAT TOPS.

Nang abutan ko siya ng chocolate candy ay doon siya napahinto sa kakaiyak.

Napasentido lamang ako habang nakatitig kay Aidan na ngayon ay parang bumalik sa tatlong taong gulang ang edad dahil kalat-kalat ang pagkain niya ng chocolates na umaabot sa kanyang pisngi.

Jusko naman! Ano bang nangyayari rito kay Aidan? Kani-kanina lang ay nasa katinuan naman siya at naglaro pa nga ito ng basketball sa covered court hindi ba?

"So sticky!" napaangat ang kilay ko nang marinig kong magreklamo ito habang pinapagpag ang nakakalat na tirang chocolates sa kanyang mga kamay.

Bago ko pa ito masaway na huwag gawing pamunas ang jersey niya ay huli na sapagkat ikinalat na nito ang chocolates sa buong kasuotan niya.

Hindi ko napigilang mapasentindong muli lalo na sa kunsimisyong nakita ko sa ginawang pagmantsa ni Aidan sa kanyang sariling damit.

"Yay! My hands are not sticky anymore!" masayang saad niya habang kausap ang sarili at napapalakpak pa ito sa kanyang kinauupuan.

Napapikit lamang ako at napailing-iling dahil sa nakita.


"I DON'T WANT TO WASH MY HANDS, KUYA! IT'S SO COLD!" nagmamaktol na parang bata na sabi ni Aidan habang pumipiglas sa akin.

Kahit na medyo malakas siya ay pinilit ko pa ring hugasan ang mga kamay nito upang hindi siya manlagkit at dapuan ng mga insekto.

Nang masiguro kong nahugasan ko na ang mga kamay nito ay pinagkaabalahan ko naman ang kanyang bag at naghanap ng bagay na pwede niyang ipampunas.

Mabilis kong idinampot sa loob ng kanyang bag ang isang nakabalot na rolyong tissue na tiyak kong hindi pa gamit, at nang makita ko ring may isang nakatuping t-shirt siya na malinis ay agad ko rin itong kinuha.


"Magbihis ka." utos ko rito at saka ko iniabot sa kanya ang plain na puting t-shirt.

Hindi niya tinanggap ang damit na pinapasuot ko sa kanya bagkus ay tinalikuran niya lamang ako. Napangiwi naman ako dahil sa inasta niya dahil parang nagtampo ang loko.

Wow! At talagang siya pa ang may ganang magtampo sa akin gayong siya nga hetong nag-entertain ng babae kanina at tinanggap pa niya iyong ibinigay na inumin sa kanya?

"My mom usually picks out my clothes.. so it's your turn to dress me up."

Napataas ang dalawa kong kilay nang marinig ko ang kanyang naging sagot sa akin.

Dahil sa nakatalikod ito ay agad akong nagtungo sa harapan niya. Nakita ko ang masungit na mukha nito habang naka-krus ang kanyang mga braso. Hindi naman ako nagpasindak rito at ako ang bumira sa isip-batang lalaking ito.

"Hoy Aidan Lexius! Tigil-tigilan mo nga ako sa pag-aasal bata mo! Kung tingin mo e' bagay sayo 'yan, pwes nagkakamali ka dahil sinasabi ko lang sayo na hindi mo bagay!" irita kong sabi rito habang nakapamaywang.

Hindi pa ako nakatiis at umisa pa ako ng banat.

"At saka hoy fyi lang! hindi ako ang nanay mo para utusan mong magpalit sayo 'no! Matanda ka na kaya matuto kang magbihis ng damit mo!" patuloy ko pa sa aking sinasabi at inirapan ko ito upang maparamdam sa kanya na pinapainit niya ang ulo ko.


Kainis siya! Nakalimutan niya yatang may atraso pa siya sa akin. Akala mo kung sino siya! Sinaktan niya ako kaya bubungangaan ko rin siya ngayon.


Hinintay ko ang sagot niya subalit wala itong naging tugon. Nang mapatingin ako rito ay gano'n na lang ang gulat ko nang makitang nakatingin rin ito sa akin habang ang kanyang mga mata ay parang nanunubig at anumang oras ay bubuhas na ang kanyang pigil na mga luha.

My Classmate has a Secret [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon