Lae"I want a Jollibee!" pamimilit na lamang ni Aidan sa akin nang madaanan namin ang isang sikat na fast food chain rito sa loob ng mall.
Napailing naman ako agad sa kanya at iniayos ko ang buhat-buhat kong stuffed toy na bigay niya kanina.
"Wala na tayong pera, Aidan. Sakto na lang yung pera ko para sa magiging pamasahe natin." tanging sagot ko rito at akmang maglalakad na sana ngunit agad akong napatigil nang marinig kong sumitsit siya.
Aba't ang siga-siga naman yata nitong lalaking 'to ngayon? akala mo kanina e' hindi siya umiiyak na parang batang pinagkaitan ng mga magulang niya?
"I have a money. So you don't need to worry." anito at nakita kong inilabas niya ang isang buong libong piso mula sa bulsa ng kanyang pantalon.
Hindi na ako nagulat sa nakita.
Alam ko namang yayamanin siya at barya lang para sa kanya ang 1k 'no.
Mabilis akong umapela, "Pero---
Tututol pa sana ako rito subalit bigla niya na lamang akong hinila kung kaya't wala na akong nagawa pa.
Bago kami tuluyang makapasok sa gusto niyang kainan ay nagtataka ko siyang tinignan.
Bakit ganito siya ngayon? Bakit tila yata hindi na siya isip-bata pa? Bumalik na ba sa katinuan si Aidan Lexius Buenavista?
"IS THERE SOMETHING ON MY FACE?" mabilis akong napaiwas ng tingin sa kanya nang bigla na lamang niyang akong tanungin nito.
Agad naman akong umiling rito habang nasa ibang dimensyon ang mga mata ko.
"Wala. Bawal na bang tignan ka?" sagot ko rito subalit ang mga huling linya na binitiwan ko ay halos pabulong na.
Mahirap na baka makahalata siya e.
"Ha? Anong sabi mo?" tanong nitong muli sa akin subalit agad ko naman itong ikinailingan.
"Look at me." pagkasabi niya nito ay kusang napabalik ang tingin ko rito hudyat para makita na lamang na napakalapit na pala ng kanyang mukha sa akin.
Nagkandalunuk-lunok ako habang nararamdaman kong parang dumadagundong sa bilis ang pagtibok ng aking puso dahil sa ilang sentimetro lamang ngayon ang layo namin sa isa't-isa.
Dahil nasa bandang sulok kami, at nasa harapan ko siya ay kitang-kita ko na lamang kung paano unti-unting sumisilay ang mga ngiti niya sa labi.
Hindi ko alam sa aking sarili sapagkat tila yata nabato ako habang nakatitig lamang sa kanya. Ngayon nga ay pigil-pigil ko ang aking kilig at para bang uminit ang aking dalawang pisngi dahil sa kaharap ko ang lalaking nagpapabilis ng tibok ng aking dibdib.
Ngayon din nga ay para kaming nasa isang eksena ng pelikula na kung saan ay bigla na lamang nag-slow motion ang paligid at pumasok ang isang kanta na tila background song para sa aming dalawa.
Di ko malaman ang nadarama
Sa tuwing ika'y aking nakikita
May kung ano sa damdamin
At abot-abot ang kaba
Sa araw-araw ay nagtataka
Ang puso kong ito, o bakit ba?
Ang kilos ko'y nababago
Na halos na andiyan ka na
Natigil na lamang bigla ang aming tila mala-pelikulang eksena nang may pumagitna sa aming tray na kung saan ito ay ang mga pagkaing in-order ni Aidan mula sa counter kanina.
BINABASA MO ANG
My Classmate has a Secret [BxB]
General FictionLae Euwenn Alcantara is deeply intrigued by the word 'secret' mentioned by his crush Aidan Lexius Buenavista on the day they had some alone time. Due to curiosity, he'll try to identify the name mentioned in the slam note filled out by the person he...