Chapter 17

239 18 4
                                    

Lae

Napatili lamang ako nang maalala ko na naman ang nangyari kanina na kung saan lumuhod sa aking harapan ang lalaking pinakamatagal ko nang pinapangarap.

Oh jusko! Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa aking isipan na boyfriend ko na ang pinakamatalino at pinakagwapo sa aming eskwelahan.

He asked me to be his boyfriend, and I finally said yes.

Boyfriend ko na ang nag-iisa at walang katulad na si Aidan Lexius Buenavista.

Well, sino ba naman kasi ako para tumanggi hindi ba? Halos nasa kanya na ang lahat.

Gwapo siya, Sobrang talino niya, at higit sa lahat ay yayamanin pa siya!

Naging alerto na lamang ako nang marining kong nag-beep ang aking cellphone hudyat na mayroong pumasok na isang mensahe. Halos umabot ang mga ngiti ko sa aking mga mata nang makita ko kung kanino nanggaling ang message.

From: AiDAN ng buhay ko <3

Goodnight, Lae. See you tomorrow :)

Halos magsisigaw ako sa sobrang kilig nang mabasa ko ang message niya. Para akong tangang nagpapapadyak-padyak habang nagliligalig sa aking kama na tila isa akong bulate na inasinan.

Yes! Tomorrow is Sunday, and we decided to meet for our very first official date.

Pero saan niya kaya ako dadalhin bukas? Wala kasi siyang sinabing exact location kung saan kami magda-date bukas e'? Sana memorable ang pupuntahan naming dalawa.

Jusme! Iisipin ko palang na makaka-date ko bukas si Aidan ay para bang ngayon palang ay gusto ko ng magpalit ng damit at magbihis para ready na ako kaagad sa date namin.

Muli akong napatingin sa kanyang mensahe at tinitigan ko ito ng ilang minuto. Nang mapagtanto kong mukhang engot na ako sa paulit-ulit kong pagbasa ng kanyang text, tinigilan ko na ito ngunit nag-reply muna ako bago ako nakatulog nang payapa.

To: AiDAN ng buhay ko <3

See you tomorrow, Aidan. Goodnight <3



Kahit nakapikit pa rin dahil galing ako sa pagtulog ay hindi ko napigilang mapangiti habang nag-uunat.

Shocks! Umaga na, and this is the day I've been waiting for!

Mas lumawak pa lalo ang mga ngiti ko nang marinig ko na lamang ang sunud-sunod na pagkatok ni mama sa pintuan.

"LAE EUWENN! GUMISING KA NA! MAY BISITA KA!" sigaw ni mama na siyang dahilan para tuluyan nang magising ang diwa ko.

"Opo, Ma! Gising na po! Susunod na po ako." tugon ko rito at mabilis akong tumayo upang magpunta ng banyo para maligo.

Hindi ako nagtagal nang sobra sa pagligo dahil baka mabored iyong naghihintay sa akin sa sala. Binilisan ko na rin ang pagbihis ko ng isusuot na damit at ganun din ang pag-aayos ko sa aking sarili.

Syempre hindi ako papayag na lapot at oily ang aking face sa date naming dalawa ni Aidan. Dapat mas fresh pa ako sa tomato at cucumber once na haharap ako sa kanya.



"Ang cute mo talaga, Lae Euwenn!" pagpuri ko sa aking sarili at napa-thumbs up pa ako sa harap ng salamin.

Good job, Lae! Fresh na fresh ka today! Dapat mas mapaibig mo pa si Aidan Lexius sa charm at cuteness mo!

Nang masiguro kong wala na akong naiwan ay agad kong kinuha ang aking bag upang isukbit na sa aking balikat. Muli akong pumasada ng tingin sa salamin at nang makita kong ayos na ang aking sarili ay saka ko na dinaluhan ang lalaking kanina pa sa akin naghihintay.



My Classmate has a Secret [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon