Chapter 18

207 17 1
                                    


Lae


"Admit it, Lae. Did you feel butterflies in your stomach because of my pick-up line?" ngumingising asar nito sa akin habang nilalaro nito ang pisngi ko na tiyak kong ngayon ay lamog na dahil kanina niya pa ito pinupuntirya.


Pinigilan ko ang pagngiti ko upang hindi niya mahalatang kinikilig ako kanina sa linyahan niya.


"Hindi naman ako kinilig 'no! duh!" saad ko lamang rito upang tumigil na siya kakaasar sa akin.


Mukha itong hindi naniwala sa sinabi ko dahil pangisi-ngisi lamang itong napapailing-iling.


"You should just admit it. I know you felt butterflies in your stomach because of my pick-up line!" muli niyang inulit ang kanyang sinabi at talagang pinapamukha niya sa akin na kinilig ako sa naging banat niya.


Alam ko ang ugali nito kaya imbes na pagtuunan ng pansin ang sinabi niya ay tumayo ako at iniwan ko siya upang magpunta sa isang rides na kung saan hindi kalayuan sa aming kinaroroonan.


"Seriously, Lae. Are you a grade two student?" napalis ang mga ngiti ko nang marinig ko itong sabihin ni Aidan hudyat para tignan ko ito ng masama.


"Hoy Aidan Lexius! Walang pakialaman ng sasakyang rides ha! Mas gusto ko rito sa carousel kaya kung ayaw mo e' iwan mo muna ako!" inis kong pagkakasabi rito at tinalikuran ko siya.


Kainis siya! Bahala nga siya d'yan! 


Sa irita ko ay hindi ko na ito pinansin pa. Bagkus ay pumila lamang ako rito sa pilahan ng gustong mag-carousel na kung saan ay halos puro bata ang nakapila.


"Wait for me here. I'm just going to buy some ice cream." rinig kong saad ni Aidan sa aking likuran at naramdaman kong tinapik niya ang aking balikat.


Nang sulyapan ko siya ay nakita ko na lang na lumalayo na ito sa aking kinaroroonan.


Hmmp! Kainis talaga siya! Hindi man lang niya ako nilambing? bahala na nga siya d'yan!


Sandaling natigil ang aking pagkairita nang may maramdaman akong humawak sa aking kamay. Nang mapatingin ako rito ay bahagya akong nagulat nang makita ang isang batang nakangiti ng matamis sa akin habang nangingislap ang mga mata.


"Hi kuya! I'm Riley! Pwede po ba akong sumama sa inyo na sumakay sa carousel?" magiliw nitong tanong sa akin habang nakakapit ito sa kamay ko.


Inilebel ko ang aking sarili rito at tinanong ko muna siya upang mas makilala ito, "Uhmm.. Hello, Riley! Pwede naman kitang samahan kaso kailangan muna kitang ipaalam sa mga magulang mo." sabi ko  lamang rito, at nang marinig niya ang mga isinaad ko ay agad na naglaho ang masasaya niyang mga ngiti.


Nagpanic naman ako bigla dahil parang naluluha na siya. "Uy hala! Huwag kang iiyak. Uhmm.. paano ba 'to?" natataranta ko pang sabi habang napapakamot ng ulo.

My Classmate has a Secret [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon