Lae
"Lae Euwenn! anak! anong oras na! gumising ka na!" boses ni mama ang nagsilbing alarm clock ko upang mapabangon ako bigla sa aking kama.
Habul-habol ko ang aking hininga nang mapaangat ako sa aking higaan.
"Oh.. anong nangyari sayo at para ka d'yang hinabol ng sampung kabayo?" rinig ko pang untag sa akin ni Mama at nang mapalingon ako sa gawi niya ay nakapaywang ito habang nakataas ang kanang kilay.
Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit pero nang makita ko na lamang si Mama ay mabilis akong nangaripas ng takbo.
"Mama.." hindi ko na napigilan pa ang aking emosyon dahil bigla na lang bumuhos ang mga luha ko.
Oh Diyos ko! Akala ko talaga ay hindi na ako makakabalik sa bahay namin. Mabuti na lang at isang panaginip lamang iyon.
"Pastilan kang bata ka! Ano bang nangyari sayo at umiiyak ka? Naeengkanto ka ba?" medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mga sinabi ng aking ina.
Totoo nga. Gising na ako dahil ganitong ganito magsalita si mama.
MABILIS ang ginawa kong pagkilos dahil mala-late na ako sa una kong subject. Sa buong school year ko ay heto siguro ang pinakauna kong late kung magkataon mang mahuhuli ako sa pagpasok ko ngayon.
"Bye ma!" Nagmamadali kong paalam sa aking ina at mabilis akong humalik sa pisngi nito.
Bago pa ito makapagsalita ay nangaripas na ako ng takbo. Alam ko namang pipilitin lang ako ni mama na mag-umagahan pero wala na akong time. Siguro ay doon na ako magbe-breakfast mamaya o di kaya 'pag tinamad ako ay isasabay ko na lang ito sa lunch.
Mabilis kong isinara ang aming gate. Handa na akong liparin ang aming eskwelahan upang hindi ako ma-late subalit agad din akong natigilan.
Parang gusto kong umatras at huwag na lang pumasok ngayong araw nang makita ko ang pamilyar na bulto ng lalaki na nakatambay sa harap ng bahay namin.
Nang mapaangat ang tingin nito patungo sa akin gano'n na lang ang pagsilakbo ng dibdib ko dahil parang nanumbalik ang trauma sa panaginip ko.
"Sabay na tayong pumasok, Lae." mahinahon nitong sabi at nakita ko pa ang pagngiti niya na animo'y wala siyang nagawa sa akin.
Pero teka nga lang, wala naman talaga siyang ginawa 'di ba? Dahil panaginip lang naman ang lahat?
Napawi ang mga ngiti niya at napalitan ng pag-aalala nang makita niyang napatulala lang ako sa harapan niya, "Lae, are you okay? are you sick?"
Huli na upang itulak ko siya dahil naramdaman ko na lang na inilapat niya ang kanyang kanang kamay sa aking ulo upang suriin kung mataas ba ang temperatura ko.
"Wala ka namang lagnat. May kakaiba ka bang nararamdaman? May masakit ba sayo?" naging sunud-sunod niya pang tanong sa akin at nang tignan ko siya ay nakikita ko ang lubusan niyang pag-aalala sa kundisyon ko.
Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit gano'n na lang niya ako ituring? Dahil hangga't tumatagal at lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya ay para bang ikakamatay ko kung masasaktan niya ako ng sobra.
Aidan Lexius, gaya ko ay may lihim ka rin bang pagtingin sa akin?
NAKAHINGA ako ng maluwag nang makarating kami ni Aidan Lexius sa saktong oras. Kasabay ng pagtunog ng bell ay ang pagpasok ng aming guro para sa aming unang asignatura. Ang paboritong subject ng lahat, ang Math.
"Ang Trigonometry ay isang mahalagang sangay ng matematika na naglalayong sukatin at unawain ang mga gawaing geometriko at ang mga relasyon ng mga anggulo at mga panig ng mga tigil-tiklop na anyo." paunang introduksyon ng aming math teacher habang ipinapaliwanag niya ang significance ng Trigo.
BINABASA MO ANG
My Classmate has a Secret [BxB]
General FictionLae Euwenn Alcantara is deeply intrigued by the word 'secret' mentioned by his crush Aidan Lexius Buenavista on the day they had some alone time. Due to curiosity, he'll try to identify the name mentioned in the slam note filled out by the person he...