Chapter 14

261 24 6
                                    


Lae

"HOY LAE EUWENN GUMISING KA NA NGA!"

Mariin akong napakamot sa aking sentido nang marinig ko ang bunganga ni mama na nagsilbing alarm clock ko ngayong umaga.

In-on ko ang cellphone ko upang tignan kung anong oras na ba.

Ano ba naman yan! Ang aga-aga pa pala! Alas Singko palang pala pero hetong nanay ko at ang lakas ng trip manggising ng maaga.

"GUMISING KA NA LAE EUWENN ISA!" patuloy niya pa sa paggising sa akin at napakunot ang aking noo nang marinig ko ang malakas na pagkalampag niya sa pinto ko.

Iritang napakamot na naman ako sa aking ulo at sumagot sa kanya, "Ma! Ang aga-aga pa! Pwede po ba mamaya ka na manggising? Inaantok pa kasi ako e!" maktol ko rito at naisipan kong bumalik na lamang sa aking kama.

Kasi naman masyado pang maaga para mambulabog 'tong si Mama. Nakalimutan niya rin sigurong alas siyete ang pasok ko at hindi alas singko ng umaga.

Ngayon ay sobrang antok na antok talaga ako. Nagtelebabad pa kasi kami ni Aidan Lexius kagabi at parang inabot na kami ng alas tres ng madaling araw. Sa katunayan ay halos ako lang naman ang nagdadaldal kagabi at tanging pag-uhmm, yes, and no lang ang sinasagot niya sa akin. Ngunit gayunpaman e' para sa akin ay kontento na ako kahit literal na one word lang ang kadalasang naitutugon niya. Dahil para sa akin, ang importante ay nakakausap ko siya at mayroon kaming komunikasyon dalawa.

Muli sana akong pipikit upang umidlip muna saglit subalit nakarinig na naman ako ng ilang pagkatok na tiyak kong mula ito sa aking ina.

Iritang napatayo ako sa aking higaan at walang ganang binuksan ang pintuan.

"Ma! Maaga pa po! Mamaya ka na po manggisi---

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang manlaki na lamang ang aking mga mata dahil hindi si mama ang nasa harapan ko ngayon.

"Uhmm.. Hi, Lae! Good morning!" nakangiting saad na lamang nito sa akin at napapayuko pa ito sa aking harapan na tila medyo nahihiya.

Agad akong tumalikod upang i-check kung may natira ba akong muta sa aking mga mata at mabilis ko ring kinuskos ang aking gilid ng labi dahil baka may mga bakas ng laway na nagmarka.

Nang masiguro kong maaliwalas na ang mukha ko ay muli akong napaharap sa kanya at ibinigay ko ang pinakamagandang ngiti ko na siya lang ang bukod tanging makakakita.

"G-Good morning, Aidan.." nakangiti ko pang pagbati rito at sinadya kong hinhinan ang boses ko.

Shocks! Bakit gano'n? Kahit simple lang ang ayos niya at suot-suot ang aming school uniform, hindi pa rin nawawala ang angking kagwapuhan niya sa mga mata ko.

He's too perfect for my eyes!

Nakita kong napakamot siya sa kanyang batok at nahihiyang napatingin sa akin, "Uhmm.. Am I too early to visit you?" tanong na lamang nito na siyang mabilis kong ikinailing lamang.

"No! Sakto lang yung pagpunta mo. Actually, patayo na rin ako sa kama ko sadyang nauna ka lang." naging sagot ko lamang rito.

Syempre alangan namang sabihin kong bakit napakaaga niya 'di ba? Mahirap na at baka magtampururot pa siya.

Napangiti ito ng marinig niya ang aking naging sagot. Unti-unting nawala ang pagkailang niya hanggang sa inaya ko siya sa aking kama.

"Ahh.. maliligo lang ako, Aidan. Promise mabilis lang. D'yan ka muna sa kama ko. Kung gusto mo umidlip ka muna." tanging naging saad ko na kanya namang ikinatangu-tango lamang.

My Classmate has a Secret [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon