Lae
Ang Split Personality ay isang kondisyon na kung saan ang isang tao ay may dalawa, tatlo o higit pang magkaibang personalidad na nagbabalik-balik sa kanyang pag-iisip at pag-uugali.
Basa ko sa aking isipan nang mai-search ko ang depinisyon ng salitang binanggit ni Aidan kahapon.
Ang bawat isa sa mga personalidad na ito ay maaaring magkaroon ng sariling mga alaala, paraan ng pag-iisip, at pagkakakilanlan.
Napatangu-tango ako habang patuloy na binabasa ang nakasaad sa internet.
Ang mga taong mayroong Split Personality ay isang seryosong kondisyon na nangangailangan ng tamang pag-unawa, paggamot mula sa mga eksperto, at suporta galing sa mga mahal nila sa buhay.
Nakaramdam ako ng kaunting awa nang mapagtanto ko ang huling linya na nabasa ko sa internet tungkol sa kondisyon ni Aidan.
Suporta.
Iyon ang isa sa pinakaimportanteng kailangan ni Aidan ngayon upang gumaling siya sa kanyang karamdaman.
Ang suporta na magmumula sa akin.
Simula kahapon ay hindi pa rin kami nagpapansinang dalawa. Alam kong galit siya dahil sa mga nasabi ko noong nakaraan habang ako naman ay galit sa kanya dahil mas binigyan niya ng importansya si Lia kaysa sa akin.
Ngunit hindi naman niya ako siguro sasaktan kung hinayaan ko lamang siyang gawin ang mga bagay tulad ng kagustuhan niyang ligawan niya ako.
Kasalanan ko rin kasi talaga.
Bakit ko pa kasi pinigilan si Aidan gayong gustung-gusto ko naman na siya maging jowa?
Hindi ba't isa iyon sa mga pinapangarap ko na maging kaming dalawa at maging kasintahan ko siya?
Natigilan na lamang ako sa aking pinag-iisip nang marinig ko ang sunud-sunod na pagkatok sa pinto ng kwarto ko.
Isinara ko muna ang aking laptop bago ko naisipang tumayo at pagbuksan ang taong patuloy na kumakatok sa pinto.
"Bakit po Ma?" tanong ko na lamang rito kay mama nang makitang siya pala iyong panay ang katok sa aking pintuan.
Nakita kong napamaywang ito, "May ulam na sa kusina. Kumain ka na lang 'pag nagutom ka. Aalis muna kami ni Lorna dahil sasamahan ko siyang maghanap ng gown doon sa Muzon para sa JS prom ng anak niya." paalam ni mama sa akin na siyang ikinatangu-tango ko lamang.
Hindi nagtagal ay tinawag na ito ng kumare niya kung kaya't agad na siyang nagpaalam sa akin. Ilo-lock ko na ang gate nang may bigla na lang sumulpot na bulto sa aking harapan na siyang ikinagulat ko na lamang.
"A-Aidan?" nauutal kong sambit sa pangalan niya nang makita ko siya.
Nakita ko ang pagngisi niya kasabay nang pagpasok na lamang niya sa bahay namin.
Bago pa ito tuluyang makapasok sa loob ay agad akong humarang sa harap niya.
"What are you doing huh?" nakakunot-noong tanong na lamang niya sa akin nang mapatigil siya dahil sa ginawa kong pagharang sa kanya.
Sinamaan ko muna siya ng tingin bago ako sumagot rito, "Hindi ka pwedeng pumasok sa pamamahay ko, Aidan! Badtrip pa rin ako sayo kaya lumayas ka na!" irita kong saad rito habang patuloy pa rin ang ginagawa kong pagharang sa kanya.
Nakita kong napailing-iling lamang ito sa akin habang natatawa, "With what you're doing now, you seem childish, Lae. So stop it!"
Mas lalo lamang akong nairita sa kanya dahilan para itulak ko siya. Subalit imbes na siya ang ma-out of balance ay sa akin nangyari dahil bigla na lamang niya akong kinabig hudyat para magdikit ang aming mga katawan.
BINABASA MO ANG
My Classmate has a Secret [BxB]
General FictionLae Euwenn Alcantara is deeply intrigued by the word 'secret' mentioned by his crush Aidan Lexius Buenavista on the day they had some alone time. Due to curiosity, he'll try to identify the name mentioned in the slam note filled out by the person he...