LaeMukha kaming ewan ngayon habang naglalakad kami palabas sa Enchanted Kingdom. Patampla-tampal ako sa aking pisngi upang piigilan ang mga ngiti ko habang napapasulyap ako ng tingin sa aking likuran na kung saan naroroon ang lalaking nakapamulsa at sumusunod sa akin.
Shocks! Totoo na ba talaga ito? Hindi naman siguro ako nananaginip ano?
Bahagya kong kinurot ang braso ko upang alamin kung totoo bang nangyayari talaga ang araw na ito.
Myghad! Truth to life na nga talaga ito. Boyfriend ko na nga talaga ang tall, genius and handsome na si Aidan Lexius Buenavista!
"Hey! watch out!"
Bago pa ako tuluyang tumama sa posteng nasa harapan ko na pala ay agad akong nahatak ni Aidan na siyang dahilan upang magdikit muli ang aming mga katawan.
Nang muling magtama ang aming mga tingin ay gano'n na lang ang pagbilis ng tibok ng puso lalo pa ng makita kong sumilay ang mga ngiti sa labi ni Aidan.
"Be careful, Lae." mahinahon niyang sambit sa akin dahilan para mapatangu-tango lamang ako sa kanya.
Nang makaramdam na parang nakakailang na ang aming pwesto ay ako na mismo ang unang lumayo sa kanya. Subalit bago pa ako tuluyang lumayo muli rito ay mabilis niyang nakuha ang kanang kamay ko at hinigpitan ang pagkakahawak nito.
Hindi ko napigilang mapatingin sa kanya dahil sa ginawa nitong paghawak niya na lamang bigla sa aking kamay.
"Uhmm.. Isn't this something couples normally do?" saad niya habang nasa iba ang direksyon ng mga tingin nito.
Natitiyak kong ang tinutukoy niya ay ang pagh-holding hands naming dalawa na normal lang naman daw para sa magkarelasyon.
Hindi ko alam ang isasagot sa kanya kung kaya't tanging pagbungisngis lamang ang aking naging tugon.
Muling dumaloy ang katahimikan para sa aming dalawa ni Aidan. Hanggang sa mag-book ito ng grab ay tanging pagsagot lamang sa driver ang huli niyang salita bago ito muling bumalik sa pananahimik.
Nakaramdam siguro ng matinding katahimikan hetong driver ng grab na sinakyan namin dahil bigla na lamang itong nagpatugtog mula sa kanyang radyo.
Nang makilala ko ang intro ng kanta ay hindi ko napigilang mapangiti lalo na nang maalala ang tagpo kanina na kung saan opisyal ko ng nobyo ang lalaking matagal ko ng minamahal.
Can this be love
I'm feeling right now
I know for certain
I'm relieved right now
I don't recall
Ever feeling this way
Tell me what does one say
To one who makes me feel this way 🎶
Naramdaman ko na lang na may humawak sa kanang kamay ko hudyat para tuluyan na akong mapangiti ng husto lalo na nang makilala ko kung sino ang panakaw na humawak sa kamay ko.
Sino pa nga ba? E' di walang iba kundi ang napakagwapo kong nobyo.
Can this be love
I'm feeling right now
I am not sure of
This feeling somehow
Why do I tremble
Whenever you're near
I can't seem to say
My words so you'll hear 🎶
BINABASA MO ANG
My Classmate has a Secret [BxB]
General FictionLae Euwenn Alcantara is deeply intrigued by the word 'secret' mentioned by his crush Aidan Lexius Buenavista on the day they had some alone time. Due to curiosity, he'll try to identify the name mentioned in the slam note filled out by the person he...