Lae
"ANONG SABI MO HIJO? LILIGAWAN MO ANG ANAK KO?!" Nanlalaking mga matang patanong ni mama nang marinig na lamang nito ang mga binitiwang salita ni Aidan.
Magsasalita pa sanang muli ito nang mapigilan ko kaagad siya at ako na ang umeksena sa kanilang usapan.
"Naku Ma! Anong oras na po pala! May practice pa kaming dalawa para sa magiging performance namin mamaya." tila naging palusot ko at mabilis kong kinuha ang kamay ni Aidan upang magpunta ng sala.
"But Lae.. I---
Sa pangalawang pagkakataon ay muli ko siyang pinigilan at ngayon ay gumamit na ako ng kamay upang ipantakip sa kanyang bibig.
"Tara na, Aidan! Huwag ka ng mag-talk d'yan!" mariin kong bulong rito at walang anu-ano'y hinaltak ko na siya palabas ng aming bahay.
Nang masiguro kong medyo malayu-layo na kami at hindi na matatanaw ang aming bahay ay doon ko palang binitiwan ang mga kamay nito ni Aidan. Nang lingunin ko na lamang siya ay medyo napakunot ang noo ko nang makitang nakatanaw ito sa ibang direksyon at seryosong-seryoso ang kanyang pagmumukha.
"Psst! Okay ka lang, Aidan?" medyo nag-aalala kong tanong rito dahil ngayon ay parang wala ito sa mood at nakakatakot siyang kausapin.
Nakita kong napatango naman ito bilang kanyang tugon sa naging katanungan ko ngunit hindi pa rin nababago ang reaksyon niya at gano'n pa rin kaseryoso ang mukha nito.
Kinalabit ko siya at kinulit-kulit para mawala na ang pagkasimangot nito, "Uy! Ayos ka lang ba talaga? Bakit parang mukha kang badtrip? May problema ba?" sunud-sunod ko pang tanong rito dahil medyo nag-aalala ako sa kanya.
Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang kamay ko at mas lalong sumeryoso ang mukha nito, "Stop, Lae. I'm not in the mood for jokes right now." mariing pagkakasabi niya at matapos ay binawi niya ang kanyang mga kamay sa akin.
Nawala na lamang ang mga ngiti ko.
Anong nangyari kay Aidan? Bakit ganito na lang siya makitungo ngayon sa akin? May nagawa ba akong hindi niya nagustuhan?
Nakita kong nauuna na siyang naglalakad kung kaya't patakbo akong lumapit sa kinaroroonan niya. Nang magpantay kaming muli ay hindi ko napigilang tanungin siya kung ano ba ang nangyari bigla sa kanya.
"Aidan, bakit para yatang ang sungit mo ngayon? May nangyari ba? May nagawa ba akong mali?"
Napatigil siya bigla dahil sa naging katanungan ko. Nang humarap ito sa akin ay gano'n pa rin ang hilatsa ng mukha nito at blangko lamang ang ekpresyon.
"I thought you liked me?" literal na nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ito mula kay Aidan.
Shet! Bakit kailangan niya pang ulitin? Unli yarn?
Tila ba umurong ang aking dila sapagkat hindi ko nagawang tumugon sa kanyang mga sinabi.
Hindi pa siya nakontento roon at muli siyang nagwika
"Don't you like me? Then why did you stop me from telling your mom earlier? Don't you want me to court you, Lae?" mas lalong napaawang ang bibig ko nang marinig kong halos isigaw ito ni Aidan sa akin.
Napakurap-kurap ako ng ilang beses bago ako sumagot sa kanya, "Ahh.. Ehh.. akala ko kasi.. hindi ka seryoso e? Akala ko kasi nagjojoke ka lang." halos wala sa sariling nasabi ko lamang rito at nang makita ko kung paano tumalim ang mga tingin niya sa akin ay para bang gusto ko na lang bawiin lahat ng mga sinabi ko.
""Are you making fun of me? Do you think that what I'm feeling is just a fvcking shit of joke for you?" halos pasigaw pa nitong sabi at ramdam ko ngayon ang galit niya dahil sa mga nasabi ko.
BINABASA MO ANG
My Classmate has a Secret [BxB]
General FictionLae Euwenn Alcantara is deeply intrigued by the word 'secret' mentioned by his crush Aidan Lexius Buenavista on the day they had some alone time. Due to curiosity, he'll try to identify the name mentioned in the slam note filled out by the person he...