Chapter 20

244 21 16
                                    


Lae


"Lae Euwenn Alcantara, let's get married."


Huli na upang mapagtanto ko ang aking nagawa nang wala sa sariling nailapat ko ang aking kamay sa kanyang pisngi.


Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin, at binigyan niya ako ng isang tingin na nagtatanong kung bakit ko siya nagawang sampalin.


Sa aking ginawa ay agad akong napatakip sa aking bibig. Tulad niya ay nanlalaki rin ang aking mga mata dahil sa nagawa kong pagsampal na lamang sa kanya.


"w-why did you slap me?" gulat niyang tanong sa akin habang hawak-hawak nito ang pisngi na aking nasampal.


Napailing-iling lamang ako rito at saka sumagot sa kanya, "I-I'm so-sorry.. h-hindi ko sinasadya."


Nakita kong tumayo siya mula sa pagkakaluhod at tumangu-tango ito, "So you don't want to marry me, right?" pauyam na lamang nitong naging tanong sa akin dahilan para agad akong umiling.


"H-Hindi sa gano'n, Aidan. Ang sa akin lang ay masyado pa tayong bata para d'yan. Maybe it would be better if we just focus on our studies before talking about things like marriage." ani't suhestiyon ko rito dahil masyado pa kaming bata sa usaping ganito.


For pete sake! We're just only both 16 years old! Nasa sekondarya pa lang kami at pa-gruduate palang kami ng high school kung kaya't napakaimposibleng magpakasal na lang kami ng ganun-ganun na lang. And Isa pa, hindi pa naisasabatas ang same sex marriage dito sa pilipinas kaya medyo imposible pa sa ngayon iyong ipinipilit niya.


Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga. Pagkatapos, nakita kong ginulo-gulo niya ang kanyang buhok at saka muling tumabi sa aking gilid.


"But what about what I did to you?" Tanong niya nang mahinahon, na siyang dahilan naman ng aking pagtataka.


Ano raw? What he did to me raw?


"Huh? hindi ko maintindihan? ano ba iyong ginawa mo sa akin?" naguguluhan ko na lamang na tanong rito dahil hindi ko maintindihan ang pinupunto niya.


Muli siyang napahilamos sa kanyang mukha, "My alter personality did something to you. He r-raped you."


Halos manlaki ang mga mata ko sa narinig at para bang aatakihin ako ngayon sa aking pwesto.


What? Rape? Sinong na-rape? ako ba?


Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang isinaad nito, "Rape? Anong sinasabi mong ni-rape? at ako kamo? teka lang, Aidan wala namang nangyayari sa ating dalawa kaya hindi totoong na-rape mo ako." sagot ko rito upang malinawan siyang walang naganap na kung ano mang nasa isip niya ngayon.


Nakita kong napabuntong hininga siya ng malalim dahil sa narinig niya at umayos na rin ito ng upo sa gilid ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Classmate has a Secret [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon