Chapter 19

3.1K 53 0
                                    

Victim

Diretso ako sa condo unit ko. Hinagilap lang lahat ng mga gagamitin ko para sa photoshoot ko mamayang gabi sa may bandang Nueva Ecija. Tutuloy pa rin ako kahit hindi stable ang emosyon ko ngayon.

I messaged Valencia to just pick me up. Si Dius hindi pa rin sumasagot sa tanong ko. Siguro ay tulog pa. Okay. That’s fine. I will wait.

Valencia knew I am not in the mood. She didn’t ask me nor talk to me about why she didn’t see me last night. Ang tanong niya sa text kanina ay sinagot ko lamang na hindi ko gustong pag-usapan iyon.

While we’re on our way to our destination, I message Iope and Isy. Just telling them about my hunch. Posible na si Cloudius ay isa ngang Hijazi. Dahil wala namang kahit na sinong may issue sa mga nabanggit na pangalan noong nag-research kami.

Mabilis na nag-vibrate ang cellphone ko. Valencia took a glance at it but she didn’t ask who it is.

Isy:

Really?

But if our family is one of the reasons why Maximus Hijazi is in jail, isn’t that fine? I mean, he’s a rapist. He’s supposed to be in jail. Anong hinahabol nila?

Nagtipa ako ng sagot.

Ako:

Naisip ko na rin iyan. Kaya nga gusto kong malaman kung saang kulungan ba si Maximus Hijazi. Kung buhay pa ba ito o hindi na.

Sinunod kong buksan ang kay Iope.

Antiope:

I asked Eros about it. Wala siyang alam pero sabi niya he’ll try to pull some strings about the Hijazis. Don’t worry, I told him to keep it a secret.

Nakahinga ako nang maluwag doon. Sana lang ay hindi rin malaman nino man sa kapatid ko na nagpapaimbestiga si Eros o nagtatanong ito. Because I am sure, they will come up with a conclusion that it is me behind it.

Kapag si Maximus Hijazi ay buhay pa, he’s not connected with Dius. But if he’s death, then maybe, he’s Dius' father.

Walang kaso sa akin dahil kahit anong mangyari, hindi naman kay Dius ang kasalanan ng ama. Pero isang kumpirmasyon iyon kung bakit parang takot ang pamilya ko na masangkot ulit sa kanila.

Sa byahe, iniisip ko kung sa paanong paraan pamilya ko ang dapat matakot kung si Regina Del Rico naman ang humatol? Ganoon ba talaga? Bakit kami lang ang nanganganib? Bakit kami lang ang takot? Kung tutuusin, maniniwala ako kung sangkot sila Ate Celeste. Pero hindi. They’re fine! Walang issue! Kami lang!

Nakarating kami sa venue na peke ang mga reaksyong pinakikita ko. Yes, I was smiling and greeting but whenever I am no longer in a conversation with anyone, lilipad pa rin ang isip ko roon.

“Are you sick?” Valencia asked after she found me alone.

Umiling ako.

“Marami lang akong iniisip. Family problem,” I replied.

Umupo siya sa tabi ko.

“I thought mahahabol ko pa kayo kagabi pero ang bilis ninyong nawala. May kinalaman doon?”

Sinulyapan ko siya bago ininom ang juice na na in-order ko. I licked my lower lip and nodded. Remembering Mom and Dad…the way they acted…parang ang sakit pa rin na wala akong alam sa dahilan noon.

“I’m trying to figure out something, Val.” Nilingon ko siya. “Can you clear my schedule next month? Kahit isang buwang pahinga para lang free ako sa oras ko.”

Nagtagal ang tingin niya sa akin pero pagkuwan ay tumango rin. She smiled at me and tried to pat my shoulder.

“You did great, Allen. Kung iniisip mo na gusto mo pa nang mas mahabang pahinga, pwede naman. Halos matagal ka na rin kasing full pack, eh. Iniisip ko nga na baka kapag hiniling mong magpahinga, diretso retire na sa modeling.”

Del Rico Progeny #1: Embers Of DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon