Embers of Devotion
Chapter 41
DesireWhen we arrived at Lola’s house, nakaayos na ang lahat. Nag-umpisa ang lakad ng alas nueve. Karga ni Dius si Raja sa isang braso habang ang isa naman ay may hawak na payong para sa aming dalawa.
Nakasunod lamang kami kela Mommy. Si Tito Tross at Tita Hollis kasama si Tito Tyron ay nas aunahan talaga habang si Dad naman ay tahimik sa likod ng mga ito.
The whole memorial was covered by Ate Dilay’s men. Wala talagang ibang nmakakapasok doon dahil nabigyan na ng notice ang management ng memorial na iyon. Katabi lang ng museleo ng Lola nila ang Dad ang ipinagawa kay Lola. Lolo Theon was all silent. Ito ang katabi ni Tito Tyron na alam kong pinakamabigat ang damdamin ngayon.
Bawat isa sa amin ay naglahad ng mensahe para kay Lola matapos iyon ay dinagsa ng samu’t-saring emosyon ang paligid. Bilang na bilang lang ang mga narito. Tito Tyron broke into tears. May binubulong kay Lola about kay Tita Eve.
Nakaiwas ako ng tingin habang silang tatlo ay binibigyan ng huling yakap ang kabaong ni Lola. My Dad was crying but he remained not uttering any word. Pero noong matapos ang lahat, doon ito umupo sa harap ng puntod ni Lola at umiyak.
Mommy, together with Tita Hollis came to us with a faint smile.
“Mauuna na tayo, ‘nak,” si Mommy.
“We’ll leave them?” I asked, pertaining to Dad, Tito Tross and Tito Tyron.
“They need alone time,” said Tita Hollis.
Humugot ako nang malalim na hininga at saka dahan-dahang tumango. When my brother went to us, kasama ni Kuya Max ang asawa at ang anak habang si Kuya Tarian naman ay isang batang sa tingin ko ay nasa sampung taong gulang na.
Nanlaki ang mga mata ko at nangunot ang noo nang may mapansin. The boy look like someone. Hindi ko lang ma-pinpoint dahil may hawis din kay Kuya ang kaniyang mukha.
“That’s Tita Allen, Tame,” ani Kuya Tarian bago iginiya ang anak na bahagya pang nahihiya.
I was fazed but immediately crouched to hold the cheeks of the boy.
“What’s your name?”
Lumabi ito ay sumulyap kay Kuya Tarian.
“Tame Russel Del Rico po,” magalang ngunit mahiyaing sambit nito.
Nangiti ako dahil doon. Siguro mahiyain ang ina nito. Kasi hindi kay Kuya Tarian ‘to namana. I wonder who’s the mother of this child?
“This is my wife, Michelle,” si Kuya Max. “And my daughter Minji.”
Isang two years old baby girl iyon na agad ngumiti sa akin. Hinalikan ko iyon sa gilid ng labi na ikinahagikgik. Matapos iyon ay binalingan ko ang babae. The nurse in the airport.
“Hi. I’m Michelle,” nakangiting aniya.
“Allen. Nice to meet you, Ate.”
Lalo siyang ngumiti roon. I look at Kuya Tarian.
“Kuya, nasaan ang wife mo?” sabay baling kay Kuya Tarian.
“She’s at home. We’re still not married. Buntis siya at maselan kaya hindi pwedeng sumama.”
Naningkit ang mga mata ko. I am curious who’s the girl. I have a feeling na hindi ko kilala iyong girl. Hihintayin ko na lang kung kailan dadalhin ni Kuya sa bahay. Ang mahalaga, nakilala ko na ang mga anak nila.
Nang lumabas kami sa memorial, Dius took my hand which caught my attention. My heart began thumping nonstop. Lalo pa at nakasunod ang tingin ni Mommy doon.
BINABASA MO ANG
Del Rico Progeny #1: Embers Of Devotion
Roman d'amourLavena Briallen exudes confidence, embracing her voluptuous figure. As a plus-sized model, she adores her family, cherishes her friends, relishes food, and has a soft spot for the renowned model, Cloudius Hijazi. Despite enduring numerous rejections...