Chapter 39

1.9K 34 0
                                    

Embers Of Devotion
Chapter 39
Love

Nanatili kami ni Dius sa loob ng guestroom at parehong tahimik matapos humupa ng emosyon. Hinahaplos niya ang buhok ko habang ang aking isip ay naglalayag sa napakaraming mga bagay at katanungan sa isip.

I was never the type of person to think of something bad for someone who did me wrong. Hindi ko kailanman naging ugali na gumanti dahil para sa akin, napakababaw ko kung papatol din ako sa mga taong nagagawang gawan ng masama ang kapwa nila.  Pero siguro nga may hangganan ang lahat.  May hanggangan ang ganong pag-iisip lalo sa sinapit namin.

Pumikit ako nang mariin habang nakikini-kinita sa isip ang iisang mukha ng lalaking dahilan ng mga pangyayaring ‘to. How ironic is it. Kahit nalaman ko na ang totoo, mukha pa rin ni Dius ang kagagalitan ko.

He went on national TV, proudly talking about how he used me, and it's surprising that he's not the one I care about. It's just unbelievable that someone could cause me so much pain, trample all over me, and mess up my life, yet he is not Dius. He is not the one I gave my heart to.

Kung nagpakamatay pala ako noon, para lang iyon sa wala? Kahit kaunting konsensya ay wala siyang mararamdaman dahil hindi siya si Dius! Kung… kung pinalaglag ko si Raja noon, ibig sabihin pinatay ko ang anak ko at isisisi kay Dius iyon kahit biktima lang din siya? Kahit gigising din siyang malalaman niyang hindi ko binuhay ang anak namin dahil sa kasalanan ng iba?

Kumalat ang pait sa sistema ko dahil doon. Bumaling ako kay Dius nang maramdang pilit niyang ibinubuka ang mga palad ko. Nang tignan ko iyon, nakakuyumos na ang kamo ko at halos bumaon na ang mga kuko sa palad.

“Stop hurting yourself, please,” he begged.

Pulang-pula ang mga palad ko na hinaplos niya nang marahan.

“Stop being brutal to yourself, Lavena. It hurts me,” he mumbled again. At sa boses nga niya, dinig doon ang sakit.

“Dius, it hurts,”  basag ko sa aking katahimikan. “I hate those who made us like this. I h-hate your mother and I’m sorry. I hate your brother and I’m not sorry. I hate them because… I hated you for four years.”

He smiled reassuringly to me. Inayos niya ang takas na buhok sa aking tenga.

“It’s fine. Tita said you’re doing your best to live and for you to do that, you need to keep hating me. It’s fine, Lavena. As long as you’re still here, alive and I can still hold you like this…”

Pinagsalikop niya ang aming mga kamay.

Nagtagal ang titig ko sa kaniya. For years, tinakbuhan ko ang imahe niya. Miski ang alaala niya ay pinintahan ko ng kakaibang kulay para lang magawa kong makatakas sa sakit na idudulot noon at ngayon, nasa harap ko siya… nasa harap ko siya…

“You’re not married,” usal ko, hindi pa rin doon nakakahuma dahil sa matagal kong pinaniniwalaan.

“I’m not. Wala rin akong anak sa iba, Lavena,” he said with assurance again.

The heaviness in my chest disappears when I hear his words. It's as if he has the power to take away all the pain from me. Is this what Mommy is telling me? That I might free myself if I listen?

“W-what about your name?” I asked, a bit horrified to remember he really did live without a name. A child, a person who haven't given the right to have his own name.

“I begged my mother. I used Dius because you gave me that. I just begged for her to give me her last name because I can’t be so stupid and asked you for marriage while bearing the Hijazi’s name.” He smiled like it was an accomplishment for him. “I will use the Mancini’s if I promise to never bother them again.”

Del Rico Progeny #1: Embers Of DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon