Chapter 35

9.1K 103 23
                                    

Changes

I have to go back. That’s what I thought when my cousin, who was not so soft spoken but controlled, dropped her statement.

Siguro naman, kaya kong isantabi ang sarili para sa pamilya. Siguro naman kaya kong magsakripisyo kahit papaano.

It pains me. They all think just because I chose this myself means I am happy. And even if I explain, will that change anything? No. But of course, I understand where they are coming from. Umalis ako noon na ang sinabi lang ay ang pagnanais na palayain ang sarili sa sakit.

Pinagmasdan ko ang larawan ng aking anak na kinatatago-tago ko. Nag-iisa lamang iyon. Kinunan ko noong huling araw na nadalaw ko siya sa silid nila Mommy dahil ayaw niya sa akin tumabi. Nakatalikod ito sa akin at ayaw ipakita ang mukha. Kinunan ko iyon para palagi kong maalala na ito ang idinulot ko sa kaniya. Na kapag nakakaramdam ako ng pangungulila at kagustuhang bumalik sa Pilipinas kung nasaan siya, magagawa kong magpigil kasi alam kong hindi niya ako gugustuhin na makita.

“I’m sorry, Raja…” I murmured. “Kailangan ni Mommy umuwi, eh. Kailangan ni Mommy na dumalaw kahit sandali.”

Yinakap ko ang larawan na iyon bago ipinasok sa may bagahe. I took my passport and put it inside my shoulder bag before leaving the suite I rented for two weeks.

Diretso ako sa airport pagkatapos. Sa mga unang oras ng byahe, kalmado lamang ang aking pag-iyak. Ngunit habang nalalapit ang paglapag, para akong masisiraan ulit ng bait. Nakailang inom na ako ng gamot para makontrol ko ang pagpa-panic ko.

Panay ang himas ko sa aking dibdib para kalmahin ang sarili pero kung gaano ako kaayos sa panlabas na anyo, ganoon naman kagulo ang isip ko. A lot of scenarios are coming inside my head.

Seeing my daughter again, what will be her reaction?

How’s my father as Lola died?

How’s Tito Tyron, Kuya Eros and where is Iope. How’s TIta Eve?

My cousins… My parents… My brothers…

Hindi ko alam kung paano ko sila lahat papakiharapan. Hindi ko alam kung paano ko sila kakausapin lalo na sa panahong may unos ang pamilya namin. May karapatan ba akong masaktan matapos ko silang iwan lahat at ‘di ko pagparamdaman? May karapatan ba akong lumuha matapos ko silang talikuran? Kahit hindi naman iyon ang tunay na dahilan kung bakit ako umalis, iyon ang iniisip nila.

And how about those people? The public who humiliated me before? Can I face them already? If destiny played with me and I crossed paths with Dius and his family, would I be able to handle it? Ilang beses na akong nawarak at nasira at kahit sa simpleng balita, nadudurog ako. Paano pa kung makakaharap ko siya? Gaano ko man gustuhin na pahirapan siya at ipadama lahat ng sakit na ibinigay niya sa akin, hindi ko iyon magagawa dahil may pamilya na siya. Kahit ang lapitan at sumbatan siya, hindi ko na magagawa.

Napakarami kong hindi napaghandaan kaya hindi ako kailanman mapapanatag sa lugar na ito. Narito sa Pilipinas ang lahat ng pwedeng makapanakit pa ulit sa akin.

Mahigpit ang kapit ko sa panyo at sa aking bag habang lumalapag ang eroplano. At nang tuluyan iyong huminto, gusto kong manatili na lamang doon. Pero hindi iyon maaari. Kung mananatili ako rito ay magmumukha lamang akong baliw kaya naman sinikap kong hilahin ang sarili sa upuan at ikilos ang mga paa kong parang tumigas na at nais na lamang hindi humakbang.

Maybe, I thought I can handle what I am feeling. Pero sa pagtayo ko pa lang at pagsubok na humakbang, bumigay na ang tuhod ko kaya ganoon na lamang ang pagdalo sa akin ng mga crew. Nadapa ako sa aisle at tanging kahihiyan lang ang naghari.

I know they’re being professional but I am sure, pagkatapos nila akong tulungan, laman ako ng usap-usapan nila. Lalo pa at natanggal ang mask na dala ko dahil hinapo na ako sa paghihirap huminga. They saw my face, they probably knew who I was.

Del Rico Progeny #1: Embers Of DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon