Wakas

1.8K 24 0
                                    

Embers Of Devotion
Wakas 1

𝗗𝗶𝘂𝘀 𝗠𝗮𝗻𝗰𝗶𝗻𝗶

“Court dismissed…” ani ng Judge at tumayo.

Del Ricos happily went to me and congratulated me. I smiled and nodded, thanking them for their support but most of all, I am looking for my wife.

Sa halip na ngiti, may luha sa kaniyang mga mata habang papalapit sa akin. Kaagad siyang sumubsob sa aking dibdib at nagpatuloy sa pagluha. May multo ng ngiti ng tagumpay sa mga labi ko.

“We won,” I whispered to her.

Naramdaman ko ang marahan niyang pagtango. Humigpit ang yakap ko sa kaniya at ganoon din siya sa akin. Sa unang pagkakataon, naramdaman ko ang umpisa ng tagumpay na noon, sa akin ay isang mahiwagang salita.

I have never felt any winning moment in my life. Simula nang mamulat ako sa kung anong klase ng buhay mayroon ako, hindi na naging malinaw sa akin kung ano ang tagumpay.

I never win my grandparent’s love.

“Dito si Cloudius,” ani matandang kaharap ko.

Tatlong taon. Sa batang edad natatandaan ko iyon dahil mapait sa pakiramdam na miski itong mga bagong taong nakilala ko, tila hindi ako gusto katulad ng aking ina.

“Maximus, bakit hindi kasama ang asawa mo?” ani babaeng matanda na kanina lang ay matalim ang tingin sa akin pero sa kakambal ko, parang maamong tupa.

“She’s still crazy, Dad. Kaya pinadala iyang mga batang iyan,” may tigas sa pagsambit ng aking kinilalang ama.

Siguro si Cloudius na kakambal ko, walang maiintindihan. Pero ako, sa nakikita kong kakaibang pakikitungo, natatandaan ko lahat at kalaunan, naiintindihan.

“Dapat hindi mo na sinama iyang batang iyan!” ani matandang lalaki.

Hindi ko iyon inasahan. I thought in the place where my father is going to bring us, the people there would love me unlike both of my parents, it seems like my hope turned to ashes.

Hindi nila ako gusto.

Walang may gusto sa akin.

Habang nadadagdagan ang edad ko, nadadagdagan din ang mga katanungan ko.

Why does my mother hate me so much? Or…why does she hate my twin and I?

“Get the fuck out!” she shouted angrily, pointing at the door.

Dinalhan ko lamang siya ng bulaklak na pareho naming ginawa ni Cloudius. Ang kapatid ko, sinama ulit ng aking ama sa ibang lugar, iniwan ako rito at sinabing bantayan ang aking ina.

Pulang-pula ang kaniyang mga mata sa galit habang nakatingin sa akin, nanlilisik iyon, katulad ng mga lobong napapanood ko sa telebisyon kapag naiiwang bukas. Nagngingitngit ang mga ngipin katulad ni ama kapag nagagalit sa mga kasambahay o ‘di kaya ay sa akin.

Hindi na ako nagulat nang tumakbo siya sa isang bahagi ng mesa, kinuha ang basag na bote at itinutok sa gawi ko, kalimiting ginagawa niya.

“Aalis ka o papatayin kita?” marahas na tanong niya.

Even though this is no longer new to me, I can still feel fear. Dahan-dahan kong inilapag sa kama ang bulaklak at dali-daling tumakbo.

It was normal to me. My mother becomes berserk if she sees Cloudius and I or…if she hears my father’s voice. It was normal to me how my father would never dare to look my way while showering gifts to my twin. It was normal to me but not this one thing.

“Cloudius? Aren’t we twins? Why aren’t we look alike?” tanong ko noong pitong taong gulang na kami.

My brother is lying on the bed, sick while I am looking after him.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Del Rico Progeny #1: Embers Of DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon