Chapter 33

5.1K 63 19
                                    


Help

Bumadha ang takot sa akin nang tumakbo si Mommy paalis sa silid namin. Nabitawan ko ang hawak na vase at humabol.

“Mom, saan mo dadalhin si Raja?!” I shouted with anger. “Natutulog na siya! Bakit niyo ba ginising?!” giit ko nang makahabol.

Tita Eve immediately went to Mom. Both of them are very much busy with Raja. Nalilito ako sa ginagawa nila sa anak ko. Nagpapalitan sila. Halos wala akong maintindihan. Nariyang iuugoy nila, kakalmahin, tatapik-tapikin ang pisngi noon. Nabibingi ako. Bumubuka ang mga labi nila at nakikita kong halos sigawan na iyon pero wala akong naririnig. Ngunit kahit ganoon, sa takot ko na sinisigawan nila ang anak ko, lumapit ako at pinilit siyang kuhanin.

“Akin na si Raja!” bulya wko kay Tita Eve dahil siya ang may hawak noon. “Tulog na siya! Bakit niyo pa kinuha!”

Mom took my hand in a snap.

“Mom!”

“Wake up!”

Tigalgal ako nang bumalik ang pandinig. Malinaw ang kaniyang isinigaw hindi dahil sa malakas ito kundi dahil mas luminaw ang pandinig ko nang tumama ang kaniyang palad sa aking pisngi.

“Allen!” paos niyang tawag sa akin, ang boses ay puno ng hinanakit.

Binalingan ko ang aking ina na ang mga mata’y puno ng takot, gulat, galit, halo-halong emosyon.

“What’s happening to you?” she asked. “She nearly died…”

Pinanlamigan ako roon. Lumipat ang tingin ko kay Tita Eve na ang mga mata ay may luha rin. Isinasayaw niya ang anak ko at hinihimigan habang ito ay sumisinghap pa. Napansin ko ang pangingitim ng kaniyang labi.

“Bakit hinayaan mo lamang na umiiyak! Nalunod pa sa gatas dahil hindi na makahinga…” si Mommy.

Kumabog ang dibdib ko sa takot.

“Nag-ihit siya…” ani Tita Eve, “Dapat…” bumuntong-hininga siya at ‘di nakapagpatuloy nang subukan kong lumapit pero nahawakan na ni Mommy ang siko ko.

“Let’s go, Allen, Kumalma ka na muna,” ani Mommy. “Let your TIta Eve handle her.”

Lumuluha ako habang iginigiya ni Mommy sa garden. Nakita ko roon ang isang tauhan.

“Mom, ayos lang po ba sila? Ni-lock po ni Ma'am ang pinto...” anito sabay sulyap sa akin.

Nahihiya akong nag-iwas ng tingin.

“Yes, thank you.”

Mom made me sit and gave me a glass of water. Pero hindi ko naman iyon mapagtuunan ng pansin at nanginginig na lamang sa pag-iyak.

“I almost killed her?” garalgal kong tanong.

My mother held my hand. Mahigpit iyon. Mayamaya pa’y tumakas din ang luha sa kaniyang mga mata.

“Allen, what happened?” she asked.

Inilapag niya ang cellphone sa may harapan ko, nakikita kong tinatawagan niya si Daddy. At nang sumagot ito, pinunasan ni Mommy ang luha sa kaniyang pisngi.

Del Rico Progeny #1: Embers Of DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon