Embers Of Devotion
Chapter 37
BalitaNaglalandas ang luha sa aking mga mata habang nakatingin sa kaniyang maamong mukha. Kababakasan iyon ng pag-aalala at kainosentehan.
“Huwag ka na cry, Mommy. Punas Raja face mo,” aniya at sinimulang palisin ang luha sa aking mga mata.
Hindi ko siya mabakasan ng pag-iyak o pagdaramdam. Tanging pagiging inosente lamang at kagustuhang mapatahan ako. She even hushed me and I don’t know how she could make me feel at ease when I can’t do it to her before. E, ako ang mas matanda sa aming dalawa pero siya ang higit na may kakahayang gawin iyon.
“Sabi Mamila strong girl kapag ‘di ka nag-cry. Ako hindi na po lagi nagka-cry, Mommy,” patuloy siya sa pagdaldal na nakakapagpakalma sa akin pero mas nagpapainit ng aking mga mata.
Inilapit ko siya sa akin at hinawakan ang kaniyang dalawang pisngi ko.
“You’re so beautiful…” usal ko kahit wala ng boses.
Nahihiya siyang nagbaba ng tingin at itinatago ang ngiti.
“Sabi Daddy pretty ako kasi pretty ka rin. Pretty niya tayong dalawa, Mommy ko.” She neared her nose to mine. “Hmm, Mommy ko? Huwag na cry para pretty tayong dalawa.”
Tumigil ang puso ko sa pagtibok nang marinig iyon. Cloudius is close to her. He knows her existence, they bond. Mukhang mahal na mahal din siya ni Raja sa paraan ng pagbanggit nito sa kaniya. Sobrang saya siguro kung… kung hindi nagyari lahat at hindi niya ako sinaktan. Siguro… siguro masaya kami ngayon.
“I’m sorry,” sambit ko nang may umalpas ulit na hikbi sa akin.
Lumabi si Raja at nagulat ako nang halikan niya ang aking mga mata. Magkasunod iyon bago sa tungki ng ilong.
“Ayaw ko cry Mommy. Gusto ko lagi po smile like doon sa pictures.”
Humugot ako nang malalim na hininga at tumango habang nakangiti.
“Of course. Of course…” I replied to her and kissed her nose. “God, I miss you so much.”
I pulled her for a hug. I buried my face on the hollow of her neck and sniffed her scent. Mahigpit ang kapit niya sa akin, hindi nagreklamo kahit tumagal pa ang yakapan namin.
Nang makahuma ako sa emosyon ko ay pinakawalan ko siya sa yakap pero binuhat ko siya at inupo sa aking hita. Hinaplos ko ang kaniyang buhok na mahaba.
“Can you tell me more about yourself?” bulong ko na may tonong pakikiusap.
She looked at me and smiled. Her eyes twinkled in excitement.
“Wait, Mommy ko. Sabi Daddy ko at Daddylo gawa ako something for you. Hid ko siya sa cowchet ko, Mommy.”
Iniangat niya ang sarili. Hinakawan ang kamay ko at nagpapababa. Nang makababa na siya ng tuluyan ay tinitigan niya ako.
“Get ko siya po. hmm? Pretty iyon like you…” bulong niya sa dulo bago kumawala sa hawak ko at nagtatakbo.
Pinanood ko lamang siya dahil hanggang ngayon ay hindi ako makahuma sa gulat na… narito siya at nayakap ko.
Raja stopped midway and turned to look at me but now, with pleading and uncertain emotion in her eyes.
“Hindi ka alis, Mommy?” nahihiyang tanong niya. Bumukol ang sakit sa dibdib ko lalo pa sa sumunod niyang tanong. “Hindi mo iwan si Raja?”
Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Yumukod ako para abutin ang kaniyang pisngi habang nakangiti para maging kampante siya.
BINABASA MO ANG
Del Rico Progeny #1: Embers Of Devotion
Roman d'amourLavena Briallen exudes confidence, embracing her voluptuous figure. As a plus-sized model, she adores her family, cherishes her friends, relishes food, and has a soft spot for the renowned model, Cloudius Hijazi. Despite enduring numerous rejections...