Liar
I am clenching on my phone as I stare at Dius’ message. Napakaikli ng laman noon pero hindi rumerehistro sa utak ko iyon. Hindi tinatanggap ng isip ko. Pero bakit ang mga mata ko wala ng pagsidlan sa pagluha. Ang aking dibdib, walang tigil sa pagkabasag. Nagsisikip ang aking paghinga mula nang mabuksan ang mensahe niya.
Let’s break up.
That’s what was written in his message. Isang mensahe lang matapos ang tawag na hindi ko nasagot noong isang linggo dahil hindi ko na nabawi pa ang cellphone kay Dad. Ang gamit kong cellphone ngayon ay ang binili namin sa Baguio noon na hindi rin naman namin nagagamit palagi dahil may sarili naman kaming cellphone. And he told me just in case we had an emergency, meron kaming gagamitin.
But I didn't know he’ll use it to end what we have! Hindi sa ganitong paraan!
This is how things are expected to unfold, indeed. It's what my father expects of me – to break things off with Dius because he'll never approve of us. But, it's not what I desire; I want to stay true to myself. Mahal ko siya! Wala siyang kasalanan! His father had nothing to do with who Dius is right now! Ni hindi siya nito napalaki!
He had to live alone, without his mother’s care all because he is Maximus’ son. That is already a punishment he had to indure when in face, he is not at fault! Hindi ko makayanang isipin na wala si Mommy sa aking buhay mula pagkabata hanggang ngayon pero siya… he live all by himself. He worked for himself. Hindi siya tanggap ng pamilya ng kaniyang ina dahil lang sa dugong nananalaytay sa kaniya.
Kung pakikinggan lang nila ako at hahayaang magpaliwanag kung paanong si Dius ay anak ni Maximus alam kong kahit papaano, maaring magkaroon ng pang-unawa sila Daddy… Pero dahil sinasara na nila ang isip nila, tinuldukan na nila ang lahat, malabong mangyari iyon.
Dad will never understand me no matter what. Si Kuya hindi rin. And Mom… I don’t know. Kung masakit kay Daddy na makitang nahulog ako sa lalaking anak ng rapist na iyon, mas lalo para sa aking ina, hindi ba? May malaking posibilidad na kinamumuhian na niya ako ngayon. Isang rason kung bakit ni hindi ko siya nakitang sumilip sa aking silid kahit isang linggo na akong nakakulong dito.
The last time I saw Mommy was when we went home. Tulog pa ito noon kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makausap siya. Na humingi ng tawad dahil para sa kanila, malaking kasalanan na minahal ko ang lalaking hindi dapat. Na malaking kasalanan na itinago ko ang relasyon ni ni Dius at sinuway sila.
They brought her inside their room and right then was the last time I ever saw her. Kahit tanong kung kumain ako ay wala. Si Kuya hindi rin. Nagpapadala sila ng pagkain sa akin kapag hindi ako bumababa para kumain at kalaunan, alam nilang hindi ako magpapakita kung hindi nila ako hahayaang makalabas ng bahay namin, pinadadalhan na lang talaga ako sa mga kasambahay.
Kuya Max visited. My cousin is not allowed to talk to me. Si Isy at Ate Iope ay napagalitan ni Kuya Tarian dahil nalaman niyang may alam silang dalawa sa tinatago ko. Nakakahiya iyon at gusto kong humingi ng tawad sa kanila pero paano ko iyon gagawin nang harapan?
I sent them messages but they never answered me. Miski sa social medias ay deactivated sila at nakakagulat na pati ako, deactivated na rin.
Ang huling nalaman ko kay Kuya Max na grounded ang dalawa. Sila Tito ang nagsabi dahil kinunsenti ako. At this point, I'm aware that even my own family, including my cousins and uncles, are upset with me. They can't quite understand how I managed to reach this point. If they're not upset, they're certainly disappointed.
What happened within my family that night created quite a stir on the internet. Kung ito’y isang normal na pangyayari lang o kung nahuli na nila at nai-detain ang sinomang umatake sa amin noon, baka burado na ang mga articles na lumabas. Pero dahil kailangan ni Daddy na mas maraming impluwensya ng taong makapagtuturo sa mga ito, hinayaan nilang ma-publicized sa media iyon.
BINABASA MO ANG
Del Rico Progeny #1: Embers Of Devotion
RomanceLavena Briallen exudes confidence, embracing her voluptuous figure. As a plus-sized model, she adores her family, cherishes her friends, relishes food, and has a soft spot for the renowned model, Cloudius Hijazi. Despite enduring numerous rejections...