CHAPTER 5 | KING OF KINKS

2.1K 17 0
                                    


That within the best of us, there is some evil, and within the worst of us, there is some good – Martin Luther King Jr.

THE ROZOVSKY HEIRS 9 | DANIEL GONZALO

CHAPTER THREE | THE KING OF KINKS

DANNY

"I don't think I still have the courage to face your parents."

Hindi ko pinansin si Griffin na nakasunod sa akin na parang puppy dahil ayaw niyang makita siyang mag-isa ng daddy ko. Dito na kasi kami natulog sa bahay nila Mommy. Pareho kaming nalasing kagabi at hindi na pumayag si Mom na umalis pa kaming dalawa para umuwi.

"I think your dad is really going to kill me."

Natawa na ako at tinapunan ng tingin si Griffin. Hitsurang problemado talaga siya na nakasunod sa akin habang papunta sa dining room.

"I am going home, Danny. I love my life. I don't want to die." Sige pa rin siya sa pagsasalita.

"Manahimik ka nga. Hindi ka mamamatay. Bakit ka naman papatayin ni Dad? Dahil sinabi mo kagabi na hot si Mommy? Dad knows you're drunk. Pinagtatawanan ka nila kagabi. We were the clowns last night."

Napapikit si Griffin at halatang pinagsisisihan ng matindi ang mga nagawa kagabi. It was all bits and pieces last night. We really had fun partying with those people who were a part of our family. Well, except for Tonie who kept on telling me and Griffin that we were going to hell because of our tattoos and drinking habit. Hindi nga lang nasama si Kuya Damien dahil maaga silang umalis ni Peyton dahil masama ang pakiramdam ng hipag ko.

Lalo nang kinabahan ang hitsura ni Griffin nang papalapit na kami sa dining area at marinig ang boses ni Mommy. Nang dumating kami doon ay ang kambal na pamangkin ko ang nakita naming pinapakain ni Mom. Wala na si Daci at Masha.

"Good morning, Mom." Bati ko at humalik sa pisngi ni Mommy bago naupo sa tabi ng kambal. Nakipag-fistbump pa ako kay Asher at Arley tapos ay kumuha ng tinapay. Si Griffin ay parang estatwang nakatayo lang sa isang tabi at hindi makuhang gumalaw. Napaikot ang mata ko. "Griff, come on. Sit down."

"G-Good morning, Mrs. Rozovsky." Halatang kabadong-kabado ang kaibigan ko.

Ang ganda ng ngiti ni Mommy. "Good morning, Griffin. Sit down and eat. I prepared soup for you guys. I know you are nursing a terrible headache because of your hangover." Iniwan kami ni Mommy at nilapitan ang isang staff na naroon.

"See? I told you everything is cool," tinapik ko pa sa balikat si Griffin at nagsimula na akong kumain. Alam kong asiwa pa rin ang kaibigan ko pero tulad ko, gutom na gutom na rin ito. Dumampot na siya ng pagkain at nagsimula na ring kumain.

Muling bumalik si Mommy at may dala nang dalawang bowl ng soup at\y binigyan kami tig-isa ni Griffin tapos ay tinawag na ang kambal para umalis na doon. Tapos na rin namang kumain ang mga ito at alam kong may iba pa silang gagawin nila Mommy. Gusto kong kutusan 'tong kaibigan ko habang sinusundan ng tingin paalis si Mom. Halatang kinikilig dahil inasikaso siya ni Mommy.

"If my dad saw you like that, definitely you will be dead." Bulong ko sa kanya.

Agad na umayo si Griffin at nagpatuloy na lang sa pagkain.

"Of course, that's only a joke." Natatawang sabi ko at sinamaan ako ng tingin ni Griffin. "But most of the time, my dad doesn't do jokes."

"Fuck you, Danny. This is not funny anymore. I only admire your mom. I mean, you know my deal with my parents especially with my mom. I am just... jealous with you and Damien because your mom is so hands on taking care of you guys even if you're adults. I have mommy issues, okay?" Sinamaan pa niya ako ng tingin.

ROZOVSKY HEIRS SERIES 9: DANIEL GONZALO BOOK 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon