CHAPTER 23 | RED IS A DANGEROUS COLOR

1.2K 7 0
                                    

Fools may our scorn, not envy, raise. For envy is a kind of praise. – John Gay

THE ROZOVSKY HEIRS 9 | DANIEL GONZALO

CHAPTER TWENTY-THREE | RED IS A DANGEROUS COLOR

DANNY

"Who is it?" Wala sa loob na tanong ko.

"Who?" Taka ni Uncle Pats.

"The guy with Tonie." Napatiim-bagang ako kasi tumatawa na ngayon si Tonie. Ano naman ang nakakatawa sa pinag-uusapan nila?

"Ah, si Henry. Bagong bodyguard ni Masha."

"Mom and Dad allowed bodyguards to mingle with us? Here? In a private party?" Hindi ko inaalis ang tingin ko sa gawi ni Tonie at ng Henry na sinasabi ni Uncle Pats.

"What's wrong with it? Nakiki-mingle naman si Hugo sa atin," itinuro ni Uncle ang ever loyal driver slash bodyguard ni Dad na si Hugo. Nagkaedad na nga si Hugo dito sa pamilya. "Your dad hired Henry so he knows Henry. At okay naman ang batang iyan. I've seen his credentials and goods naman."

"Matagal na ba silang magkakilala? Bakit parang magkakilalang-magkakilala sila ni Tonie?" Kasi iyon talaga ang nakikita ko. Kumportable si Tonie katabi ang Henry na iyon at hindi ko maintindihan kung bakit ikinaiinis ko iyon. I knew how vulnerable Tonie was. Madaling mauuto kung papakitaan lang ng konting importansiya.

"Kanina lang naman. Okay na rin iyan. Tonie needs to meet other people."

"Don't you think it's too early? Baka mabudol na naman siya tulad ng ginawa ni Lewis." Katwiran ko.

"I think Tonie learned her lesson and she won't do it again." Napangiti si Uncle Pats. "Thank you for your concern, Danny. I appreciate all your help and concern for Tonie." Alam kong magsasalita pa si Uncle Pats pero kumakaway na dito si Dad. Nagpaalam na siya sa akin at naiwan na lang ako doon na nanatiling nakatingin kay Tonie at sa lalaking kasama niya sa buffet table.

Pabagsak kong binitiwan ang hawak kong baso at tumayo. No. I am not buying it. Tonie was still vulnerable and she could be another prey for asshole predators and this fucking Henry could be one of them.

Deretso ako buffet table at tumabi kay Tonie. Napatingin pa siya sa akin at nagulat nang makita ako doon.

"Danny! You're here?" hitsurang hindi makapaniwala si Tonie.

Maasim lang akong ngumiti sa kanya. "We need to talk."

Bago pa makapagsalita si Tonie ay hinawakan ko na siya sa braso at hinila na paalis doon kahit hawak pa niya sa isang kamay ang plato na may laman na pagkain.

Talk? Ano ba ang pag-uusapan namin. Wala akong maisip.

Pero kahit ano pa ang mapag-usapan namin, ang gusto ko lang mangyari ay lumayo siya sa Henry na iyon.

---------

 This story is complete and exclusive to read on Patreon and VIP. You can message Helene Mendoza's FB page to know how to subscribe and read the exclusive stories.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ROZOVSKY HEIRS SERIES 9: DANIEL GONZALO BOOK 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon