CHAPTER 6 | ANOTHER VISIT

1K 5 0
                                    


Better the devil you know than the devil you don't.

THE ROZOVSKY HEIRS 9 | DANIEL GONZALO

CHAPTER SIX | ANOTHER VISIT

TONIE

"H-hindi ka multo?" Mahinang sabi ng driver habang halatang takot na tapunan ako ng tingin.

"What? Anong multo? Hindi ako multo." ano ba ang pinagsasasabi ng driver na ito?
Noon lumingon ang driver at siniguro nga na totoong tao ako. Dahan-dahan pang iniangat ang kamay tapos ay hinawakan ang kamay ko.

"Tao ka nga!" bulalas nito.

"Of course, tao ako. Ano ba? Paandarin mo na ang sasakyan. Makati tayo." Nag-uumpisa na akong mainis.

Marahang umandar ang sasakyan. "Akala ko kasi ikaw na 'yong nababalitang gumagala na white lady sa lugar na iyon. Kasi naman ang suot mo. Parang damit ng white lady." Napakamot pa ng ulo ang driver.

Napaikot ako ng mata tapos ay tiningnan ang sarili ko. Mukha bang damit ng white lady ang suot ko? Hindi naman. Ang damit kong ito ang naiiba sa lahat ng mga babae sa ministry. Pinili ito ni Lewis para sa akin. Espesyal para sa akin dahil ako nga ang chosen one.

"Hindi totoo ang multo. Nagbabasa ka ba ng Bible? According to 1 John chapter four verse eight, do not believe every spirit, but test the spirits to see whether they are from God, for many false prophets have gone out into the world. Mas maniwala ka sa salita ni Lord. Hindi sa mga multo."

Napa-ah lang ang driver at nagpatuloy sa pagmamaneho. "Alam ko na. Hind ka nga multo pero mukhang sugo ka ng kulto."

"Excuse me!" Tumaas ang boses ko. "Our church is not a cult. Bakit ba kapag sinasampal kayo ng katotohanan tungkol sa mga salita ng Diyos galing sa bibliya sasabihin n'yo gawaing kulto na? We are just trying to help people who are not yet seeing the right path. The light to the way of the Lord."

"Sabi mo," halatang wala nang interes makinig ang driver sa sinasabi. "Sana nga naging multo ka na lang. Parang mas gusto ko na lang matakot kaysa makinig sa mga sinasabi mo."

"Mag-drive ka na nga lang diyan." Inis kong sabi. "Ikaw, hindi ka makapapunta sa langit."

"Kung ikaw at ang kulto mo ang makakasama ko, 'di bale na lang na hindi makapasok sa langit." Mahinang sabi pa ng driver. 

---------------

To read the full chapter, DM Helene Mendoza's FB page to know how to subscribe to Patreon and VIP group.

ROZOVSKY HEIRS SERIES 9: DANIEL GONZALO BOOK 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon